GMA Logo Isko Moreno and Buboy Villar
What's on TV

Buboy Villar, bakit itinuturing na blessing makatrabaho si Isko Moreno?

By Kristian Eric Javier
Published October 10, 2023 1:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News

Isko Moreno and Buboy Villar


Buboy Villar kay Isko Moreno: “Isang blessing pa po na makasama si Yorme.”

Itinuturing ni Buboy Villar na blessing ang makatrabaho ang kapwa Eat Bulaga at “G sa Gedli” host na si dating Manila Mayor Isko Moreno, at sinabing grateful din ito sa words of wisdom na natatanggap niya mula sa beteranong aktor.

Sa interview ni Buboy sa online entertainment show na Marites University, ipinahayag nito kung gaano siya ka-grateful na meron siyang trabaho ngayon sa nasabing noontime show.

Nang tanungin siya kung ano ang pakiramdam na makatrabaho si Yorme Isko, “Isang blessing pa po na makasama si Yorme sa isang segment na 'G sa Gedli.'”

Ayon pa kay Buboy ay naging mas chill siya at hindi na ganun ka-pressure sa pagtatrabaho dahil kay Isko.

Pag-alala naman ni Buboy sa sinabi sa kanya ni Yorme, “Actually, isa lang 'yung parang tumatak talagang sinabi sa'kin ni Yorme, 'Put God first.' 'Yun talaga.”

“The rest, siya na magha-handle nun. Kumbaga ibibgay na lang sa'yo ni Lord, 'Dito ka na lang dumaan, yes or no ka na lang,'” dagdag pa niya.

BALIKAN ANG NEW HOSTS REVEAL NG EAT BULAGA SA GALLERY NA ITO:

Aminado naman din ang noontime show host na hindi naging madali ang trabaho nila sa Eat Bulaga, kaya nagpapasalamat siya sa words of wisdom at encouragement ni Isko sa kaniya, sa staff, at sa crew ng show.

“Thank God na araw-araw ko siyang nakakasama, araw-araw meron akong word of wisdom na naririnig sa kanya, at mas nae-encourage ako at the rest ng staff and crew na ipagpatuloy po araw-araw 'yung Eat Bulaga, araw-araw ang 'G sa Gedli,'” aniya.

Nagbigay rin ng mensahe si Buboy ng pasasalamat kay Isko para sa mga sinasabi nito sa kanya tuwing magkasama sila.

“Sa kabila ng kung ano-anong sinasabi nila sa'kin, merong Yorme na nagsasabi sa'kin ng ganyan, merong Yorme na nakaka-appreciate sa'kin,” sabi nito.