
Si Kapuso comedian at Running Man PH star Buboy Villar ang bibida sa isang episode ng real life drama anthology na Magpakailanman.
Sa kabila ng paglaki sa poder ng alcoholic at physically abusive na ama at nanay na lumustay sa pinaghirapan niyang pera, saan humuhugot ng lakas ni Buboy para makapagpasaya pa rin ng ibang tao?
Makakasama ni Buboy sa episode sina Smokey Manaloto, Tina Paner at Ervic Vijandre.
Abangan ang natatanging pagganap ni Buboy Villar sa sarili niyang talambuhay na "Luha sa Likod ng Tawa: The Buboy Villar Story," December 28, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.
SAMANTALA, SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO: