What's on TV

Buboy Villar, inutus-utusan sa set ng 'Owe My Love?'

By Cherry Sun
Published April 15, 2021 7:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cardinal David: Show kindness, compassion
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Buboy Villar


Kahit nasa kuwarto na at naghahanda na matulog, todo pa rin sa pag-utos ang 'Owe My Love' stars kay Buboy Villar! Alamin ang reaksyon ng aktor dito.

Buong araw inutus-utusan si Buboy Villar ng kanyang Owe My Love co-stars ngunit hindi nagreklamo ang aktor at sumunod na lang sa gusto ng kanyang mga katrabaho. Ang mg autos kasing kanyang natanggap ay bahagi ng challenge ng YouLol.

Kuwento ni Buboy, hinamon daw siya ng official Kapuso comedy channel na gawin ang "24-hour Utusan Challenge."

Magsisimula pa lamang siya nang makasalubong niya si Pekto at inutusan siya nito na magluto. Matapos sa kusina, si Buboy na rin ang naghanda ng kanilang kakainan.

Kasunod nito, nakatanggap din ng utos si Buboy mula kina Winwyn Marquez, Jelai Andres, Jon Gutierrez, John Vic Guzman, at Mahal.

Sino kaya sa kanyang co-stars ang nagpasubo pa sa kanya ng chips, at sino naman ang nagpapunas ng pawis?

Patapos na sana ang challenge ni Buboy at handa na siyang matulog nang may kumatok pa sa kanyang kuwarto upang siya'y utusan. Maubos na kaya ang pasensya ng aktor dito?

Panoorin ang buong video sa itaas.

Kilalanin ang mga bida ng Owe My Love sa gallery sa ibaba:

Ang Owe My Love ay mapapanood tuwing Lunes hanggang Biyernes, 9:35 P.M. sa GMA Telebabad!