
May nagbabalik para makipagkulitan at makikuwentuhan sa masayang game show ng GMA na The People Have Spoken!
Matapos subukang pulsuhan ang boses ng people, uupo naman siya bilang celebri-peep guest na magbabahagi ng kanyang candid, diverse, at nakakatawang opinyon.
Abangan ngayong Sabado (July 25) ang high-energy kulitan ng Bubble Gang funnyman at Your Honor host na si Buboy Villar!
Humanda sa kanyang hilarious banter kasama ang Kapuso hosts na sina Heart Evangelista at Sean Lucas.
Mapapanood din ang isang bagong fun tandem, dahil makakasama rin niya ang resident celebri-peep at beauty queen-advocate na si Joy Barcoma.
@youlolgma Ba't laging late 'yung mga magaganda? 🥵😍 @Joy Barcoma @Analyn Barro @Arra San Agustin #YouLOL #YouLOLGMA #thepeoplehavespoken #tphs #gmanetwork ♬ original sound - YoüLOL
Abangan ang The People Have Spoken, tuwing Sabado, 6:15 p.m. sa GMA. Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa social media accounts ng GMA at YouLOL. Available din ang buong episode at mga highlight clip sa GMANetwork.com at YouLOL official accounts.
Samantala, tumutok sa The People Have Spoken para sa chance na manalo ng cash prize sa People Panalo Promo!
Para sa full mechanics, bisitahin ang page na ito: www.gmanetwork.com/TPHSPeoplePanaloPromo.
Balikan ang kulitan nina Kokoy De Santos at Buboy Villar, o mas kilala bilang Team KOBOY sa The People Have Spoken, dito: