GMA Logo Buboy Villar
Image Source: buboyvillar (IG)
What's on TV

Buboy Villar, may funny BTS video mula sa 'Taskforce Firewall'

By Marah Ruiz
Published May 16, 2026 6:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

VOTER REGISTRATION FAQs – Sino ang pwedeng magparehistro at paano ito gawin? | GMA News Feed
Here's why rotational brownouts are implemented
Make Your Marc Season 3 Finale: Vegas, Vision, and Filipino Excellence on the Global Stage

Article Inside Page


Showbiz News

Buboy Villar


Nagdala ng katatawanan si Buboy Villar sa photo shoot ng 'Taskforce Firewall.'

Isa si Kapuso actor and comedian Buboy Villar sa mga bida ng ng upcoming tech-driven action-drama series na Taskforce Firewall.

Iikot ang serye sa isang grupo ng law enforcement agents na lalaban sa katiwalian ng mga taong gumagamit ng internet at technology sa masamang paraan.

Image Source: gmanetwork (Instagram)



Gaganap siya dito bilang Jhay-jhay, tech prodigy at drone expert ng grupo.

Kasama ang ibang miyembro ng cast, sumalang si Buboy sa photo shoot para sa publicity stills ng programa.

Isang nakakatuwang behind-the-scenes video ang ibinahagi niya mula dito.

Mapapanood dito si Buboy na suot ang costume ng kanyang karakter at nagpo-pose kasama ang isang mahabang baril.

Pinapanood siya ng mga kasamahan sa isang monitor at nagtatawanan habang nagbibigay ng komentaryo tungkol sa kanyang poses at facial expressions.

"Ang angas na ng dating ko eh! Ta's ganito mga tropa mo! HAHAHA," sulat niya sa caption ng post.

Inimbitahan din niya ang kanyang social media followers na manood ng world premiere ng Taskforce Firewall.

"Btw May 25 na po pala ang TaskForce Firewall maangas yan promise! ," sulat niya.

A post shared by Buboy Jr Villar (@buboyvillar)


Abangan ang Taskforce Firewall, simula May 25, 8:55 p.m. sa GMA Prime! May second telecast ito sa GTV tuwing 10:30 p.m. at mapapanood din sa GMA Play.

I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.

KILALANIN ANG MGA BIDA NG TASKFORCE FIREWALL DITO: