GMA Logo Buboy Villar
Celebrity Life

Buboy Villar, may kuwento tungkol sa kanyang successful business

By EJ Chua
Published September 24, 2021 1:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Buboy Villar


Ano ang sikreto ng food business ni Buboy?

Bukod sa pag-arte, busy rin ang Kapuso comedian-actor na si Buboy Villar sa kanyang negosyo.

Ikinuwento ni Buboy Villar sa Unang Hirit Barkada kung paano naging matagumpay ang kanyang pares business sa gitna ng pandemya.

Aniya, “Nung unang nagsimula 'yung pandemic, nagbenta ko ng mga itlog, bigas, mantika pero hindi nag-work… Nag-isip ako ng [iba pa.]

Nagsimula ang food business ni Buboy na tinawag niyang Ang Pares ni Ding sa pamamagitan lamang ng isang roving cart na ipinuwesto niya sa isang subdivision sa Quezon City noong 2020.

Dahil dumami na ang kanyang customers, nito lamang July 2021 ay nakapagbukas na si Buboy ng isang physical store.

Ayon sa comedian-actor, ilan sa sikreto ng paglago ng kanyang food business ay ang recipe ng kanyang tatay at ang naisip niyang pakulo upang tangkilikin ito ng mga tao.

“Itong recipe, sa tatay ko po talaga, kasi 'yung recipe ko, hindi pwedeng pangbenta kasi malulugi ako… Ako po kasi talagang mahilig po talaga akong kumain.

One-time napunta po ako sa Batangas, nakatikim ako ng Lomi Batangas. Nakita ko na marami talagang sahog 'yung pinaka-lomi nila. So naisip ko, why not kung gumawa ako nun sa pares. That time po nag-isip po ako na maglagay ng mga bone marrow, pero naisip ko parang ang basic na ng bone marrow. So, bakit hindi ako maglagay ng talagang kakainin ng tao, like pares siomai, pares bagnet, pares lumpia, pares balot,” kuwento ni Buboy.

Ibinahagi rin ni Buboy kung bakit niya naisip na mag-negosyo.

Sabi niya, “Ang pinakaunang naisip ko po ay 'yung mga anak ko. Sila 'yung pinakadahilan.”

Noong nakaraang taon, ibinahagi ni Buboy sa GMANetwork.com ang ilang detalye tungkol sa kanyang personal na buhay.

“Mahalaga naman doon, maayos kaming dalawa at napapag-usapan namin 'yung mga anak namin na pinakaimportante sa amin sa lahat ng bagay… Ngayon magkaibigan naman po kami at parehas po kaming focused sa journey po naming dalawa which is siya nagtatrabaho po ngayon sa Amerika at ako po naman ay focused po ako sa aking career at sa aking pagiging tatay sa aking mga anak,” kuwento ni Buboy.

Bagama't hiwalay na si Buboy at si Angillyn Gorens na ina ng kanyang daalawang anak, patuloy naman ang komunikasyon at pagsuporta nila sa kanilang dalawang anak.

Nagsimulang makilala si Buboy sa entertainment industry noong 2008 sa GMA series na Dyesebel.

Sumikat rin siya bilang si Ding, ang sidekick ni Darna noong 2009.

Tingnan ang cute photos ng mga anak ni Buboy Villar at Angillyn Gorens sa gallery na ito.