GMA Logo Buboy Villar
Celebrity Life

Buboy Villar, may mahigit 1M followers na sa YouTube

By Cherry Sun
Published April 22, 2021 1:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

900 families affected by Mayon unrest in Albay receive aid from GMA Kapuso Foundation
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Buboy Villar


Congratulations, mga bok! Nakatanggap na si Buboy Villar ng Gold Play Button award mula sa YouTube!

Nakatanggap si Buboy Villar ng Gold Play Button award mula sa YouTube ngayong mahigit isang milyon na ang naka-subscribe sa kanyang YouTube channel.

Noong November 2019 lamang nagsimula mag-vlog si Buboy at umabot na agad sa isang milyon ang kanyang YouTube followers. Dahil sa pagdami ng kanyang subscribers, binigyan siya ng Gold Play Button award ng video-sharing platform.

Wika ng Owe My Love star, “Mula sa 1-1M sa puso ko sobrang laking pasasalamat sa mga sumuporta kundi dahil sa mga kaibigan at taong naniwala sakin hindi ko mararating to, at of course, Lord God! Salamat sa journey na binigay mo salamat at nilagay n'yo rin ako dito para mag pasaya sa mga tao para sa inyo to.”

A post shared by Buboy Jr Villar (@buboyvillar)

Ipinasilip din niya ang kanyang ginawang unboxing sa pamamagitan ng kanyang bagong vlog. Kasunod nito ay ibinahagi rin ng aktor ang kanyang ginawang bonding kasama ang kanyang mga anak na sina Vlanz at George.

Kilalanin ang iba pang Kapuso stars na nakatanggap ng Play Button award mula sa YouTube sa gallery sa ibaba: