
Ngayong Mother's Day, ipinaabot ng Kapuso comedian na si Buboy Villar ang isang matamis at makulit na pagbati para sa dati niyang karelasyon at ina ng kanyang dalawang anak na si Angillyn Gorens.
Sulat ni Buboy sa kanyang Instagram post, “Happy Mother's Day! @ angillyn gorens. Salamat sa wonderwoman ka para sa mga anak natin. Enjoy mo araw mo ngayon. Basta alam mo na 'yun. Nandito lang ako sa likod mo para magtago [laughing emoji].”
Ilang positive comments naman ang natanggap ng aktor mula sa kanyang post.
Isa na rito ang komento ng netizen na si aceicey06, “What a decent man, appreciating the mother of his children.”
Si Angillyn ang ina ng dalawang cute na cute na anak ni Buboy na sina Vlanz at George.
Noong 2020, ikinagulat ng marami ang pag-amin ni Buboy at Angillyn tungkol sa kanilang paghihiwalay matapos ang kanilang engagement.
Kasalukuyang napapanood si Buboy sa pinakabagong drama comedy fantasy series sa GMA na False Positive.
Samantala, kilalanin si Angillyn Gorens, ang American ex-partner ni Buboy Villar sa gallery na ito: