GMA Logo Buboy Villar
Source: Running Man Philippines and Running Man PH (FB)
What's on TV

Buboy Villar, nag-viral dahil sa matinding 'brain freeze'

By Aedrianne Acar
Published June 3, 2024 1:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NCAA: Yukien Andrada pens heartfelt message as his San Beda stint ends
January 1, 2026: Balitang Bisdak Livestream
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News

Buboy Villar


Hirap na hirap si Buboy Villar sa mukbang mission nila sa 'Running Man Philippines!'

Sagot uli ni 'Batang Kanal' Buboy Villar ang good vibes sa Saturday primetime dahil muling nag-viral ang performance niya sa "RM School Race" na napanood sa Running Man Philippines nitong Sabado ng gabi (June 1).

Sa second mission ng kanilang bagong race, sumabak ang Runners pati ang kanilang guest sa kakaibang club activity na tinawag na 'Kain, Takbo, Kain.'

Dito kailangan nilang lagyan ang ramen noodles ng mainit na tubig, isuot ang kanilang jacket, at tumakbo papalabas ng school papuntang outdoor canteen.

Pagdating sa canteen, kailangan nilang maubos ang ice cream, bumalik ulit sa classroom, at ubusin ang ramen noodles.

Ang unang Runner na makakagawa nito ay makakabigay ng one point sa kanilang team.

Sa "RM School Race," teammates sa Team Kap sina Mikael Daez, Miguel Tanfelix, at Lexi Gonzales. Hindi naman papatinag ang Team Boss G na binubuo nina Glaiza De Castro, Angel Guardian, at Buboy Villar.

Magkakasama naman sa Team Josh sina Josh Cullen, Lexi Gonzales, at Kokoy de Santos.

Sa unang match, nagharap sina Buboy, Miguel, at Josh. At talagang hindi binigo ng tatlo ang viewers dahil sa dami ng funny moments nila.

Nanguna na diyan si Buboy na tila nahirapan sa nakaka-'brain freeze' na mission na pagkain ng ice cream habang bumabagsak ang matinding yelo sa kanilang location sa HongCheon Sengdun School.

Tawang tawa ang netizens at viewers sa hirap na sinapit ng Sparkle comedian magawa lang ang mission para sa Team Boss G.

As of writing, umani na ang mukhang moment ni Buboy ng mahigit 500,000 views sa Facebook.

Ulit-ulitin ang nanunuot sa lamig na missions ng Pinoy Runners sa "RM School Race" sa video below!

RELATED CONTENT: ADORABLE THROWBACK PHOTOS OF THE PINOY RUNNERS