
Sa pangalawang pagkakataon, muling naging emosyonal si Buboy Villar nang ang bunsong anak na si George Michael naman ang ihatid niya sa airport papuntang Amerika kung saan naninirahan ang ex-partner n'ya na si Angillyn Gorens, ina ng kanyang dalawang anak.
Noong November 2021, una nang inihatid ni Buboy ang panganay na si Vlanz Karollyn papuntang Amerika. Kinailangan ni Vlanz na pumunta sa kanyang ina para sa US citizenship nito.
Ayon kay Buboy, saglit lamang na maninirahan ang anak na si George sa Amerika. Aniya, "I'm pretty sure na sobrang miss na rin ni Angillyn si George."
Dagdag ng aktor, ayos lamang para sa kanya ang pagpunta nina Vlanz at George sa Amerika dahil para naman ito sa "future" ng mga anak.
"Malungkot pero okay ako basta't para sa future ng mga anak ko, isa-sacrifice ko 'yan. Kakayanin para sa ikagaganda ng buhay nila. 'Yung pagka-miss ko nandyan na 'yan pero mas maganda i-secure natin 'yung future nila," pagbabahagi ni Buboy sa kanyang vlog.
Taong 2018 noong maghiwalay sina Buboy at Angillyn pero nananatili silang magkaibigan para sa kanilang mga anak.
Panoorin ang paghatid sa airport ni Buboy Villar sa anak na si George Michael papuntang Amerika, dito:
Samantala, tingnan ang daddy moments ni Buboy Villar sa kanyang dalawang anak na sina Vlanz Karollyn at George Michael sa gallery na ito: