GMA Logo Buboy Villar, Eat Bulaga, Isko Moreno
What's on TV

Buboy Villar, nagpapasalamat sa 'G Sa Gedli' ng 'Eat Bulaga'

By Jimboy Napoles
Published September 15, 2023 4:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

RECAP: Team Philippines at the 2025 SEA Games
Isay band shines as first-ever Distilled Sounds PH champion
Third-culture kid

Article Inside Page


Showbiz News

Buboy Villar, Eat Bulaga, Isko Moreno


Buboy Villar: “Sobrang laking tulong ng trabaho namin ngayon itong “G Sa Gedli” sa 'Eat Bulaga' dahil…”

Kasalukuyang napapanood ngayon ang aktor na si Buboy Villar bilang isa sa mga host ng longest-running noontime show na Eat Bulaga partikular na sa segment nito na “G Sa Gedli.”

Sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com kay Buboy, ibinahagi niya na lubos ang kanyang pasasalamat sa nasabing segment ng programa dahil sa mga aral na natutunan niya rito mula sa mga taong nakikilala nila araw-araw ng co-host niya na si Isko Moreno o kilala rin bilang si “Yorme.”

SILIPIN ANG SIMPLENG BUHAY NI BUBOY:

Aniya, “Kasi unang-una sa lahat, raw 'yung pupuntahan namin, hindi namin alam yung kuwento ng tao na 'to. So, bilang isang entertainer din, ano kaya 'yung aral na mapupulot ko dito sa ini-interview namin? Ano 'yun? 'Yun 'yung reality ng buhay, 'yung kahit gaano kahirap, ngumiti ka lang, gumawa ka ng paraan. Hindi mo naman kailangan ng sobra-sobra, ito lang, pantawid mo lang sa araw na 'to, happy na, 'di ba?”

Ang “G Sa Gedli” ay bagong segment sa Eat Bulaga kung saan naglilibot sina Buboy at Isko sa iba't ibang lugar upang maghanap ng mga tao na matutulungan.

Pero ayon kay Buboy, tingin niya ay mas masuwerte pa siya sa mga kababayan na kanilang natutulungan araw-araw.

Aniya, “Para sa akin, ang laking impact noon na parang ang suwerte ko, 'di ba masuwerte ako at ang laking ginhawa ng ginagawa ko na, 'Oo, alam kong nasa arawan kami,' pero meron pa rin talagang nagsusumikap sa buhay na masasabi mo na, 'Thank you, Lord sa aral na 'to ay sana mas humaba pa ang buhay ko at mas mabigay pa yung karapat-dapat para sa kanila.'”

Aminado rin si Buboy na hindi madali ang kanilang trabaho na maglibot sa iba't ibang lugar at malaman ang ilang mabibigat na kuwento ng ibang tao.

“'Yung sinasabi sa amin ni Yorme lagi na, 'Thank God, dahil nairaos namin 'yung pang-araw-araw na 'yun.' Kasi unang-una sa lahat, hindi rin talaga madali. 'Yung araw-araw kaming magkikita-kita, minsan hindi namin masabi 'yung buong week namin talagang 'yung naiinterview namin mabibigat.

“So, 'yun 'yung mga dala namin kapag uwi namin so siyempre kailangan namin, minsan ako, sa anak ko, kung minsan sa dogs ko, so kanya-kanya talagang responsibilities sa buhay. So kailangan lang talagang pagbutihan, at laging magdarasal for guidance,” ani Buboy.

Ayon kay Buboy, malaking tulong talaga ang nabibigay ng “G Sa Gedli” ng Eat Bulaga lalo sa mga higit na nangangailangan.

“Sobrang laking tulong ng trabaho namin ngayon itong 'G Sa Gedli' sa Eat Bulaga hindi dahil sa for promotion or etc., wala naman po talaga akong pakialaam doon, ang sa akin lang 'yung totoo lang.” saad ni Buboy.

Samantala, bukod sa pagiging host, abala rin ngayon si Buboy bilang ama sa kanyang dalawang anak na sina Vlanz at George.

Tumutok sa Eat Bulaga, Lunes hanggang Biyernes, 12:00 noon, at tuwing Sabado, 11:30 a.m. sa GMA.