
Humagalpak sa katatawa ang maraming viewers sa kulit moves ng “The Funny Juan” na si Buboy Villar sa pagpapatuloy ng Silent Mukbang mission sa Running Man Philippines last October 8.
Ang Pink Team na binubuo nina Ruru Madrid, Lexi Gonzales, Kokoy de Santos, at Angel Guardian ang sumalang para talunin ang time ng Blue Team, pero 'tila nagimbal sila sa ginawa ni Buboy habang tahimik silang kumakain.
Hindi lamang ang mga kasama niya Runners at natawa sa ginawang pagkakamot ni Buboy, kahit ang viewers sumakit ang tiyan sa ginawa niyang diskarte kontra sa Pink Team.
Pansin pa ng netizen na si CiCi Clair Rojo, “Buboy was so strategic tonight. I knew he could do it and he did.”
@gmarunningmanph Buboy 'yung pantalon mo, uy! 🤣 #RunningManPH #RunningManPhilippines #GMA ♬ original sound - GMARunningManPH
Umani na ng 1.5 million views at mayroon na ring 77,000 likes ang episode highlight na ito sa TikTok.
Puwede n'yo rin mapanood ang Running Man Philippines online via the simultaneous livestream sa YouLOL YouTube page.
Samantala, mapapanood naman sa telebisyon ang patok na reality show tuwing Saturday, 7:15 p.m. at sa Sunday naman, you can watch it after Happy ToGetHer, 7:50 p.m.
MEET OUR CELEBRITY RUNNERS HERE: