GMA Logo buboy villar
What's Hot

Buboy Villar, sa muling pagbisita sa 'It's Showtime': 'Nag-enjoy ako'

By Aedrianne Acar
Published May 5, 2024 11:35 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Evidence vs. public servants should not be used for politicking — Palace
2 hurt in Basilan fire; 3 houses razed
New food hall opens latest branch in BGC

Article Inside Page


Showbiz News

buboy villar


Ayon kay Buboy Villar, naka-move on na siya sa biglaang pagtatapos ng 'Tahanang Pinakamasaya.'

Na-enjoy ni Buboy Villar ang pagpo-promote nila ng kanyang Running Man Philippines co-stars ng grand premiere nito sa noontime show na It's Showtime noong Sabado, May 4.

Kasama ni Buboy na nagpasaya sa mga manonood sina Mikael Daez, Glaiza De Castro, Miguel Tanfelix, Lexi Gonzales, Kokoy de Santos, at Angel Guardian.

Source: GMA Network

Sa exclusive interview sa kaniya ng GMANetwork.com, sinabi ni Buboy na maganda ang experience niya sa pagbisita sa rival program noon ng kinabibilangan niyang Tahanang Pinakamasaya.

Sabi niya, “Dati pa naman sumampa na ako dun. Nag-promote rin ako ng Kid Kulafu, so wala, wala, namang, I mean, negative vibes. Lagi naman akong positive sa mga ganung bagay at nag-enjoy ako, of course.

“Kasama 'yung mga Runners as in. 'Pag sila talaga kasama ko, 'yung Runners, parang, wow! Parang always happy lang, walang dead air kumbaga.”

Balikan ang huling episode ng Tahanang Pinakamasaya rito:

Ayon pa kay Buboy, naka-move on na siya sa biglaang pagtatapos ng Tahanang Pinakamasaya noong Marso 2 at highlight ng career niya na naging parte siya ng isang noontime show.

Ilan sa mga nakasama ng Sparkle artist sa defunct program sina Isko “Yorme” Moreno, Paolo Contis, Chariz Solomon, Glaiza De Castro, Winwyn Marquez at marami pang iba.

“Ako, I choose to be happy, always.” saad ni Buboy, “Every day lagi ko pinipiling maging masaya kasi isa lang naman ang buhay natin. Kung bibigyan pa natin ng stress or kung iisipin pa natin siyang problema.”

“Sa totoo lang, isang malaking fact sa akin na naranasan ko rin 'yun, na makapagtrabaho sa noontime show. At ginawa ko pa rin naman 'yung best ko and I'm happy for that.”

“At happy ako na maraming nasiyahan, happy rin ako na may nakaka-miss. Pero sa ngayon, isipin natin ang Running Man Philippines season two dahil, siyempre, ito naman ay bago. Of course, winter! Kakaiba sa panlasa natin ngayon dahil nga. Uy! Hindi naman tayo sanay na meron snow 'di ba.”

TINGNAN ANG KOREAN STARS NA MAKAKASAMA SA RUNNING MAN PH SEASON 2: