GMA Logo Buboy Villar
Source: michaelbitoy (IG) and buboyvillar (IG)
What's on TV

Buboy Villar, sinabing tinutukan ni Michael V. ang maliliit na detalye para mabuo si Yaki

By Aedrianne Acar
Published November 21, 2024 6:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sinulog Festival 2026: The GMA Regional TV Special Coverage
Barangay chairman, nephew killed in Cotabato shooting
'Heated Rivalry' star Hudson Williams makes runway debut at Milan Fashion Week

Article Inside Page


Showbiz News

Buboy Villar


Buboy Villar on Direk Bitoy: “Nakakatuwa kasi sa mga ganun [kaliit] na detalye. Gusto niya makuha 'yun, gusto niya ma-hit 'yun.”

Puring-puri ng Sparkle comedian na si Buboy Villar ang lider ng longest-running gag show na Bubble Gang na si Michael V. sa pagtutok nito sa mga maliit na detalye sa tuwing gumagawa ito ng parody songs.

Sa katunayan, magde-debut ang new parody single niya na “Hilaw” sa darating na November 24, bilang parte ng 29th anniversary offering ng Kapuso gag show this year.

Ibinahagi ni Buboy sa eksklusibong panayam niya sa GMANetwork.com ngayong Huwebes (November 21) kung ano-ano ang ginagawa ni Direk Michael behind-the-scenes sa tuwing may shino-shoot itong parody song para sa show.

Lahad niya, “Hindi kasi nakikita 'to e. 'Pag nagwo-work kasi si Direk Bitoy sobrang ma-amaze ka po, kasi parang bilang isang aktor ang hirap din na parang actor ka na, ikaw pa magdi-direk. So, siya alam na alam niya talaga 'yung ginagawa niya bihira sa mga artista talaga 'yun e.

“Hands down kami kaya nung ginawa niya 'yung parody na Yaki, actually, kahit nung BINI-b10 pa lang namin. Kung ako ang tatanungin n'yo hindi ko maiisipan, pero siya naisipan niya.

“Kaya sobra akong bilib sa kaniya at tiwala ako na magsa-succeed pa rin itong Yaki niya talaga.”

Kahit ang pag-spoof ni Bitoy sa OPM singer na si Maki na kumanta ng mga hit songs na “Dilaw” at “Saan?” ay talagang metikuloso ginawa ng Kapuso ace comedian.

Pagbabalik-tanaw ni Buboy, “Andoon pa ako sa dressing room niya, nagtatanong pa siya kasi si Maki, medyo glass skin siya. Gusto niya rin ganun! Nakakatuwa kasi sa mga ganun [kaliit] na detalye. Gusto niya makuha 'yun, gusto niya ma-hit 'yun. So salute.”

Matapos umere ang first part ng 'BaliSong BENTENUEBE' anniversary special ng Bubble Gang noong November 17 na nakakuha ito ng mataas na TV ratings na umabot ng 13.8 percent base sa datos ng NUTAM People Rating.

Kaya naman taos-puso ang pasasalamat ni Buboy sa matinding suporta ng audience at loyal Ka-Bubble sa kanilang programa.

Aniya, “Sobrang saya ko lang po na nakasama ako dun sa anniversary. 'Di ba sa 29th anniversary ng Bubble Gang at lagi ko lang mina-manifest at wini-wish na tumagal pa ako ng tumagal sa Bubble Gang hanggang sa tumanda gusto ko nandoon lang ako. Thank you, of course sa mga fans kasi hindi naman po maabot 'yung ganung ratings kung hindi naman po dahil sa kanila.

“At siyempre dahil din kay Kuya Bitoy, sobrang salute. Sobrang hands on niya pagdating sa mga script.”

RELATED CONTENT: MUST-WATCH SCENES ON BUBBLE GANG THIS SUNDAY NIGHT