
May personal experience si Vice Chair Buboy Villar na kung paano tumulong sa kaniyang kapwa ang content creator at skincare CEO na si Rosmar Tan (Rosemarie Tan).
Guest nina Buboy at Madam Chair Chariz Solomon si Rosmar at Miss Tsung sa session na "In Aid of Big Money: Yumayaman, Yumayabang?" ng Your Honor.
Naalala ng former child star na si Buboy na hindi nag-atubili tumulong si Rosmar sa kaniya noon na umabot siya sa lowest point ng kaniyang buhay.
Lahad niya sa House of Honorables, “Baka [sa] hindi nakakaalam si Rosmar po ay sobrang kakilala ko po 'yan. Sa mga hindi nakakaalam, alam n'yo po si Rosmar, isa sa mga taong tumulong sa akin.”
Biglang naluha ang 32-year-old content creator at businesswoman sa sinabi ni Vice Chair Buboy.
“Ako saksing buhay na natulungan ako ni Rosmar, bakit?” Pagpapatuloy ng Sparkle comedian.
“Real story po ito nung panahon na medyo hindi pa namin alam 'yung ginagalawan namin, akala namin nung bata pa kami e tama 'yung ginagawa namin. So, kinakalaban namin 'yung kung ano 'yung dapat namin kalabanin.
“So, may mga tao dadating sa buhay mo na tutulungan ka at si Rosmar 'yun. Dumating siya sa amin na parang walang pag-aalinlangan, walang kaabog-abog, 'Sige! Kung ano matutulong ko, tutulungan ko kayo'”
READ: Buboy Villar and Angillyn Gorens's relationship timeline
“Nakitulog ako sa kanila sa restaurant niya. Hinayaan ako ni Rosmar dun na nandoon lang ako. Ako, hiyang-hiya na ako kay Rosmar, kasi, siyempre artista na ako noon. 'Tapos, siyempre dumating sa point nawawalan ako ng pera, hindi naman regular ang trabaho namin bilang isang artista. So, hiyang-hiya ako kay Rosmar!
“Kasi, magkaibigan sila ni Angillyn [Gorens] noon that time.” Ang tinutukoy dito ni Buboy ay ang ex-partner niya na nanay ng dalawa niya pang anak na sina Vlanz Karollyn and George Michael.
Pagbabalik-tanaw pa ni Buboy sa Your Honor: “So, kinain ko 'yung pride ko na shucks! Kailangan ko gawin 'to para sa pamilya ko, kasi wala kaming choice. Tapos, thank you kay Rosmar kasi siya 'yung [tumulong] sa amin- pagkain, room. Meron pa siyang nagtayo siya ng negosyo na Rosmar Massage, libre kami massage.”
“Ako saksing buhay, mabait si Rosmar at hindi niya deserve 'yung pagba-bashing n'yo sa kaniya.”
Meron naman anak na lalaki si Buboy sa current partner na si Isay Sampiano na si Kyrie.
Balikan ang nakakaantig na moment na ito sa Your Honor sa link below.
Mapapakinggan din ang full episodes ng YouLOL Originals podcast sa Spotify, Apple Podcast, at ibang pang streaming sites.
RELATED CONTENT: Get to know multi-millionaire & TikTok star Rosmar