
Sumabak si Kapuso actor and comedian Buboy Villar sa isang fun, indoor activity.
Source: buboyvillar (IG)
Sinubukan kasi niya ang wall climbing kasama ang kanyang girlfriend na si Isay Sampiano.
Nagsilbi muna si Buboy na spotter ni Isay na nakumpleto ang unang dalawang difficulty level pero nahulog na sa pangatlo at pang-apat.
Pagpatapos nito, nagkarera ang magkasintahan. Mukhang mauuna na si Buboy sa tuktok, lalo na nang mahulog na si Isay. Pero maya-maya lang, nahulog na rin mula sa wall si Buboy.
Lubos naman nag-enjoy ang dalawa sa kanilang sporty date.
"POV: this is your sign to try active dates with your partner ," sulat ni Isay sa caption ng kanilang joint post.
Busy rin si Buboy sa paghahanda para sa upcoming action series na pagbibidahan niya.
May working title ito na Firewall at makakasama niya dito sina Kylie Padilla, Kyline Alcantara, Miguel Tanfelix, at Jak Roberto.
Sama-sama silang sumabak sa training para gun handling and safety, pati na practical and tactical shooting.
SAMANTALA, MAS KILALANIN PA SI BUBOY VILLAR SA GALLERY NA ITO: