What's Hot

Buboy Villar, bukas pang makipagbalikan kay Angillyn Gorens

By Dianara Alegre
Published October 9, 2020 12:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sinulog Festival 2026: The GMA Regional TV Special Coverage
Barangay chairman, nephew killed in Cotabato shooting
'Heated Rivalry' star Hudson Williams makes runway debut at Milan Fashion Week

Article Inside Page


Showbiz News

Buboy Villar Angillyn Gorens Vlanz Karollyn at George Michael


Ayon kay Buboy Villar, hindi pa niya tinutuldukan ang love story nila ni Angillyn Gorens.

Kinumpirma ni Kapuso actor Buboy Villar ang balitang dalawang taon na silang hiwalay ng American partner niyang si Angillyn Gorens sa kanyang latest vlog.

Matapos ang ilang taong pagsasama ay nabibiyaan sila ng dalawang anak na sina Vlanz Karollyn, 3, at George Michael, 1.

Buboy Villar at Angillyn Gorens

Source: angillyn_gorens (IG)

Nang makapanayam ng 24 Oras ang aktor, ibinahagi nito na mutual decision nilang dalawa ang hiwalayan.

“As a father, as a mother, nakita po namin 'yon at napagkasunduan namin na marami pa kaming pwedeng gawin. Marami pang oportunidad.

“Mahaba pa ang lalakbayin namin sa mundo na ito. So, napagdesisyunan namin na kung kailangan natin maghiwalay, maghiwalay muna tayo,” aniya.

Sinabi rin niyang sinubukan nilang ayusin ang kanilang relasyon kaya nabuntis pa si Angillyn.

Dagdag pa niya, maaaring nakaapekto sa naging desisyon nila noon ang mga natanggap nilang pambabatikos mula nang isapubliko nila ang kanilang relasyon.

“Kaso, dumating sa point na parang tinry natin hindi kaya.

"Baka masyado nating pinu-push ang mga sarili natin na gawin 'tong mga ito.

“Kasi baka masyado tayong nagpapaapekto sa mga tao nu'ng nag-trend tayo dati na [nasabihang] walang forever 'yan, so masyado nating pinu-push na pinapatunayan natin 'yung forever,” lahad pa niya.

Hindi ang pagkakaroon ng third party ang dahilan ng kanilang breakup at kahit hiwalay na ay nananatili pa rin silang magkaibigan para na rin sa kanilang mga anak.

“Thank God dahil magkaayos kami ni Angillyn. Nagkakausap kami sa mga anak namin at maganda ang plano namin para sa mga anak namin,” aniya.

Dagdag pa ni Buboy, hindi pa naman niya tinutuldukan ang kanilang love story.

“Pero kung magkagusto ka ulit sa 'kin, willing na willing akong tanggapin ka kasi mahal kita. 'Yun ang pagmamahal,” sabi pa niya.

Kung hindi naglo-load ang video sa itaas, maaaring panoorin ito dito.