GMA Logo Buck and Elias
What's Hot

Buck: Ang pagkakaroon ng kaalaman ni Buck

By Dianne Mariano
Published December 6, 2023 10:07 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Mga bumbero, naantala dahil sa ginawa ng isang rider | GMA Integrated Newsfeed
Guam delegation to arrive for Dinagyang Festival 2026
United Kingdom considering social media ban for minors

Article Inside Page


Showbiz News

Buck and Elias


Sa paglabas ni Buck sa kanyang video game, unti-unti na siyang nagkakaroon ng kaalaman tungkol sa mga tao at sa real world.

Sa ikalawang linggo ng fantasy series na Buck, nag-ayos ang ina nina Elias (Bram Spooren), Laura (Tine Roggeman), at Hanne (Ina De Winne) na si Katrien (Ini Massez) para sa isang date at kilig na kilig ang dalawang anak na babae nito.

Inayos ni Elias ang kanyang video game at kinontrol niya ang video game character na si Jim. Nang dahil sa pagkontrol ni Elias kay Jim sa laro, matagumpay na natalo nito ang mga kalaban.

Nakisali naman si Buck (Robbert Vervloet) sa dance game nina Hanne at Mona (Annabet Ampofo) habang kasama ni Elias ang kanyang kaibigan na mayroong drone.

Sa tulong ng drone ni Stan, gumanti si Elias sa isa niyang kapitbahay matapos itapon nito ang kanyang mga kalat sa kanilang basurahan.

Samantala, ipinaliwanag ni Elias kay Buck ang tungkol sa pagkakaiba ng mga lalaki at babae para sa kaalaman ng huli. Bukod kay Elias, binigyan din nina Hanne at Laura si Buck ng kaalaman tungkol dito.

Kinuhanan naman ni Mona si Elias ng mga litrato at napansin ng una na tila iisang emosyon lamang ang nakikita niya sa mukha ng binata.

Samantala, aksidenteng nahulog ni Hanne ang video game console ni Elias sa bintana at sinabi ni Katrien na kailangan itong palitan ng una.

Subaybayan ang Buck tuwing umaga sa oras na 8:25 a.m. sa GMA.