GMA Logo bugoy carino
Courtesy: Nherz Almo (left)/Nice Print Photography and iambugoycarino03 on Instagram (right)
What's Hot

Bugoy Cariño, prinotektahan ang asawa laban sa online bashing

By Nherz Almo
Published January 12, 2026 1:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

UAAP: FEU-D spoils UST's title defense opener; Ateneo, La Salle, NUNS notch wins in HS hoops
Heavy rain triggers flooding in MisOr town
Farm to Table: (January 11, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

bugoy carino


Lagi raw pinaaalalahanan ni Bugoy Cariño ang asawa niyang si EJ Laure tungkol sa negatibong comments online. Alamin dito:

Bihira na makitang umaaarte ang dating child star na si Bugoy Cariño. Lalo na nang magsimula na siya at kanyang asawang si EJ Laure ng pamilya.

Pero ngayong pagpasok ng 2026, isang pelikula ang kinabibilangan ni Bugoy, ang Breaking the Silence, na idinirek ni Errol Ropero at iprinodyus ng Gummy Entertainment Production.

Nagkaroon ito ng red-carpet premiere nito noong Sabado, January 10, sa Trinoma, Quezon City. Dito, nakausap ng GMANetwork.com at ilang piling entertainment media si Bugoy.

Aniya, ang pelikula ay parte ng kanyang pagsubok sa pagbabalik-acting. Huling napanood si Bugoy sa pelikulang Huling Sayaw noong 2023.

“Nami-miss ko na rin pong umarte rin, e. Gusto ko na rin makita ulit ng mga tao yung pag-acting ko ulit, katulad ng ginagawa ko dati,” sabi ng 23-year-old actor.

Dagdag pa niya, Pinaka na-miss ko yung magbasa ng script, yung talagang papasok mo sa sarili mo yung character, papaano mo siya iha-handle, and kung paano mo siya gagampanan nang maganda.

Related gallery: Bugoy Cariño's life outside showbiz

May tema ng bullying at mental health awareness ang Breaking the Silence, mga bagay na hindi na raw bago sa dating child actor na si Bugoy.

“Ako naman po kasi, simula noong bata, parang given na yung basher na ganyan.”

Matatandaan na umani noon ng batikos si Bugoy dahil sa relasyon nila ng kanyang asawang si EJ, na mas matanda sa kanya ng ilang taon.

Dahil dito, ani Bugoy, “Ang pinaka-focus ko noon ay yung wife ko kasi hindi naman siya sanay sa mga sinasabi ng mga tao. Kasi, nasa volleyball world siya, tayo nasa showbiz world, e.

“Yung mga tao, kung anu-ano ang mga sinasabi, so parang nasanay na po ako. Ginuide ko po talaga yung wife ko para malagpasan niya po yung mga sinasabi.”

Isa sa mga paalala raw lagi niya kay EJ ay huwag bigyan ng pansin ang mga negatibong nababasa online.

“Ang laging paalala sa kanya, huwag na huwag niyang papansinin talaga. Kumbaga, yung mga yan, nag-comment lang yan. Pero 'pag nakita tayo na, magpapa-picture pa rin talaga.

“Yung mga gano'n naman po kasi, lagi kong pinapaalala sa kanya, kapag may basher na ibig sabihin, mas nakikilala ka na. Yung pangalan mo, tumatatak na rin sa mga tao. At saka hindi ka nila makakalimutan.”

Related gallery: Bugoy Cariño and EJ Laure's beautiful wedding photos

Bukod kay Bugoy, bahagi rin ng Breaking the Silence sina Potchi Angeles, Shira Tweg, Gray Weber, Francis Saagundo, Ramon Christopher, Pinky Amador, Jeffrey Santos, Rob Sy, Pekto Nacua, Mark Herras, Irish Contreras, Brace Arquiza, Gene Padilla, Patani Daño, at Sylvia Manansala.

Mapapanood din dito sina Panteen Palanca, Jerico Balmes, Carl Acosta, Miles Manzano, Shane Carrera, Ryrie Sophia, Zion Cruz, Tokyo Rodriguez, Jared Reyes, Christian Villanueva, Arwen Cruz, Mira Aquino, Erika Palisoc, Chelsea Pergis, Emmanuel Talukder, Achilles Ador, Stanray Clark, Uno Weber, Mavi Weber, Yvo Weber, Mikaela Saldaña, Dirc Manliclic, and Drey Lagrago.

Layon ng pelikulang ito na maipalabas sa mga paaralan para mapag-usapan ang isyu tungkol sa bullying at mental health, na tinalakay rin ni Dr. Lourdes Dimaguila sa kanyang Cameo appearance.

Related gallery: Celebrities who are advocates of mental health