GMA Logo bugoy drilon and daryl ong
Source: Enteng The Dragon on Facebook
What's Hot

Bugoy Drilon, Daryl Ong stress importance of connection with co-singers

By Nherz Almo
Published October 13, 2023 6:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Canada demands that Israel probe 'appalling' treatment of flotilla members
Minor injured in reported street attack in Iloilo
This immersive storytelling museum is inspired by a Korean tale

Article Inside Page


Showbiz News

bugoy drilon and daryl ong


"Kabisado na namin ang isa't isa," sabi Bugoy Drilon tungkol sa kapwa singer na si Daryl Ong.

Madalas naririnig ang salitang “chemistry” sa tuwing napag-uusapan ang pagtatambal ng mga aktor. Pero kahit sa music scene, importante rin ito para maging maganda ang performance on stage.

Ito ang isa sa mga natutunan ng RnB singers na sina Bugoy Drilon at Daryl Ong, dalawa sa trio singers na kilala bilang BuDaKhel. Sa daming beses na nilang nagkakasama sa shows at concerts, palagay na ang loob nila sa isa't isa pagdating sa pagpe-perfom nang live.

Sa katunayan, ayon kay Drilon, may mga pagkakataon na nagkakasaluhan sila kapag kailangan ng tulong ng isa.

“Si Daryl kasi matalas ang tenga niya, so in times po na like, hindi ko kaya i-hit yung note, kahit noong nagti-trio pa kami… Dahil kabisado na namin yung nuances ng isa't isa, nagsasaluhan kami ni Daryl. For example, kapag may notes na hindi ko ma-hit, pinapasa ko kay Daryl kaya magche-change kami ng part. Medyo kabisado na namin ang isa't isa,” kuwento ni Bugoy sa online press conference na inihanda ng Enteng The Dragon kamakailan para U.S. concert tour nilang “B.A.D. Boys of RnB.”

Para naman kay Daryl, malaking tulong din ang malawak na kaalaman ni Bugoy sa musika.

Ani Daryl, “Nakaka-amaze kasi fan ako ni Bugoy. I'm not saying na medyo delayed sa province, pero yun naman talaga when it comes to music, di ba? Nagulat ako kay Bugoy, na taga-province siya, pero yung mga listening niya mga Guy Sebastian, ang lawak.

“Kasi nga, kinukuwento niya sa akin madalas na from AM na radio station to FM, sobrang hilig niya talaga makinig ng iba't ibang songs ng iba't ibang genre.

“Kaya noong magkaroon ng chance na BuDaKhel, super daling katrabaho ni Bugoy kasi ang lawak ng repertoire niya, ang lawak ng style na kaya niyang kantahin. Pati yung mga harmony, blending, hindi naging effort para sa amin.”

A post shared by Enteng Perez (@iamvicenteperez)

Samantala, natawa naman si Bugoy nang tanungin tungkol sa titulong binigay sa kanila ni Daryl, ang “B.A.D. Boys of RnB”

Sa palagay ni Bugoy, mas tumutukoy ang pagiging “bad” nila sa mga nagawa na nila sa music industry.

“Siguro po kasi sa dami na naming napagdaanan, sa dami na naming adjustments sa any type of genre, na-incorporate na namin ang RnB. Like me, I can sing RnB and reggae, RnB-ballad, RnB-pop. So I think, mas malawak na yung magagawa namin because of that experiences namin when it comes to music,”pahayag ni Bugoy.

Ayon sa concert producer na si Vicente Perez play of words lamang ito hango sa unang letra ng kanilang mga pangalan.

Dahil sa pagsasamang ito nina Bugoy at Daryl, maaring matanong ng BuDaKhel fans kung bakit wala ang kasamahan nilang si Michael Pangilinan.

Sagot ni Perez, “I personally handpicked the two kasi we wanted to experiment yung concept na B.A.D. Boys kasi nagkataon na 'B' si Bugoy and 'D' si Daryl. So sabi ko, 'Let's work on a concept of 'B.A.D. Boys of R&B.'

“I haven't really worked with Michael, so ganun ang nangyari. I'm sure, in the future, the three of them can still work together.”

Ang 'B.A.D. Boys of R&B.' ay magkakaroon ng apat na shows sa Amerika, na nagsimula nitong October 13 sa Las Vegas; October 14 sa San Leandro, California; November 3 sa Oxnard, California, at November 4 sa Celebrity Center, Hollywood.