GMA Logo ralph de leon and az martinez
What's Hot

Buhat moments nina Ralph De Leon at AZ Martinez, kinakiligan

By EJ Chua
Published August 25, 2025 4:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

ralph de leon and az martinez


Panoorin ang nakakakilig na kulitan ng AZRalph (AZ Martinez at Ralph De Leon) dito.

Viral sa TikTok ang latest video na inupload ng ex-housemate ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition na si Ralph De Leon.

Mapapanood dito ang smooth na pagbuhat ni Ralph sa kanyang ka-love team sa Pinoy Big Brother na si AZ Martinez.

Sulat ng Star Magic artist sa caption ng kanyang post, “Diretso sa pool @AZ Martinez.”

Labis itong kinakiligan ng netizens, lalong-lalo na ang fans at shippers ng AZRalph.

Ang kanila namang ex-housemates na sina Esnyr at Will Ashley, tila nakainggitan pa ang ginawang pagkarga ni Ralph kay AZ.

Napa-comment din dito ang KiSh, ang love team nina Kira Balinger at Josh Ford.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 4.6 million views ang TikTok video.

@ralph_dl diretso sa pool @AZ Martinez ♬ U AND EYEEEEEE - J★

Sa mga nakaraang interview ni AZ, ibinahagi niyang ngayong nasa outside world na sila ay mas gusto pa niyang makilala si Ralph.

Samantala, si Ralph at ang final duo niya na si Will Ashley ang itinanghal na Second Big Placer Duo, habang si AZ at ang kaniyang duo na si River Joseph naman ang itinanghal na Fourth Big Placer Duo sa reality competition.

Related gallery: Bonding moments ng PBB Celebrity Collab Edition housemates sa outside world