What's Hot

Buhay ng Pinoy LGBT sa ‘Out and Proud’ ng SNBO sa June 22

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated April 7, 2020 2:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Simbang Gabi (December 15, 2025) | GMA Integrated News
Teen stabbed multiple times in Dueñas, Iloilo
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News



Kasama ang host na si Vicky Morales, tatalakayin ang mahahalagang issue na hinaharap ng LGBT community tulad ng same sex marriage at ang paniniwalang imposible itong ma-legalize sa Pilipinas.

By MARY LOUISE LIGUNAS



Mas marami na nga bang lesbian, gay, bisexual at transgender (LGBT) ang nakakaramdam na sila’y tanggap ng lipunan? Karapat-dapat bang tawaging most gay friendly country in Asia ang Pilipinas? Mas open-minded na nga ba ang mga tao ngayon dahil sa mainit na pagtanggap sa mga pelikula at palabas tulad ng My Husband’s Lover?

Ilan ito sa mga tanong na sasagutin at paksang tatalakayin sa ‘Out and Proud’, isang dokumentaryo na sisiyasat sa mga pagbabagong nangyayari sa buhay ng Pinoy LGBTs.

Kasama ang host na si Vicky Morales, tatalakayin ang mahahalagang issue na hinaharap ng LGBT community tulad ng same sex marriage at ang paniniwalang imposible itong ma-legalize sa Pilipinas.

Maliban doon, ikukuwento rin ang pag-usad ng pagpapasa ng matibay na anti-discrimination bill na magbibigay ng pantay na karapatan at trato sa lahat ng Pilipino anuman ang kanilang gender at status.

Sa pakikiisa ng GMA Network sa Gay Pride Month ngayong Hunyo, ipapamahagi ng Out and Proud ang mga kuwento nina Crystal at Christine Lin, ang kambal na lesbian ni Nil Nodalo, isang “transman” na executive sa isang security firm, at ni Sebastian Castro, isang openly-gay internet personality.

Kasama rin dito ang showbiz personalities tulad ng “engaged” celebrity couple na sina Liza Dino at Aiza Seguerra, ang Eat Bulaga transgender beauty na si Francine Garcia, at “married” gay partners na sina Director Jun Lana at Perci Intalan.

Nagkuwento rin sina Kapuso heartthrobs Dennis Trillo at Tom Rodriguez tungkol sa kanilang karanasan sa pagganap ng isang gay couple sa My Husband’s Lover.

Abangan ang espesyal na handog na ito ngayong Linggo, June 22, 10:40 p.m. sa SNBO.