What's on TV

Buhay ni Leo Consul, tampok sa bagong episode ng '#MPK'

By Marah Ruiz
Published October 13, 2022 6:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal lost with jet carrying Libyan army chief over Ankara, Turkey says
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Leo Consul on #MPK


Tampok sa bagong episode ng '#MPK' ang buhay ni Leo Consul, isang Pinoy na sikat na artista sa Indonesia.

Mas makikilala sa bagong episode ng real-life drama anthology na #MPK o Magpakailanman ang aktor at host na si Leo Consul.

Small Boy Big Dreams on MPK

Isa siyang Pilipino na pinalad maging sikat na artista sa Indonesia.

Tubong Bolinao, Panganisan si Leo at galing siya sa isang payak na pamilya. Sa pangarap niyang makaahon mula sa hirap, sinikap niyang mag-aral nang mabuti.

Kasabay nito, nagtrabaho na rin kaagad siya sa murang edad para sa kanyang pamilya.

Pero may matutuklasan si Leo tungkol sa kanyang nakaraan na babago ng kanyang buhay. Bukod dito, marami pa siyang pagdadaanan bago niya makamit ang tagumpay sa Indonesia.

Abangan ang kaniyang kuwento sa brand new episode na pinamagatang "Small Boy, Big Dreams: The Leo Consul Story," October 15, 8:15 p.m. sa #MPK.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.