GMA Logo Binibining Pilipinas national costume competition
Photo source: @bbpilipinasofficial
What's Hot

Bukas na ang botohan para sa Binibining Pilipinas national costume competition

By Ron Lim
Published July 3, 2026 7:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Iran's slain leader Khamenei laid in state in Tehran for week of mass funeral events
Pepito Manoloto, Nakasinati og Swerte sa Iyang Kinabuhi | Balitang Bisdak
Fast food chain unveils new dessert flavors after saying goodbye to famous apple pie

Article Inside Page


Showbiz News

Binibining Pilipinas national costume competition


Ang announcement ng top five sa national costume competition ay gaganapin sa Binibining Pilipinas coronation night.

May oportunidad ang mga pageant fans and aficionados na hindi nakanood ng Binibining Pilipinas national costume competition kahapon dahil pwede na silang bumoto para pumili ng mananalo.

Nag-announce ang Binibining Pilipinas organization sa kanilang official Instagram account na maaari nang bumoto ang mga tao sa national costume competition. Nakalagay sa caption ng post ang instruction kung paano bumoto. Ibinahagi rin ng organization na ang announcement ng top five ay gaganapin sa Binibining Pilipinas coronation night.

A post shared by Binibining Pilipinas (@bbpilipinasofficial)

Realted Gallery: Check out the Binibining Pilipinas queens' national costumes

Ginanap ang national costume competition kahapon sa New Frontier Theater at itinanghal ang mga gawa ng designers tulad nila Ehrran Montoya, Simeon Cayetano, at Louis Pangilinan.

Kung sino man ang manalo sa national costume competition ay ang pangalawang queen na makakatanggap ng special award bago ang coronation night. Noong May, pinangalanan ng Binibining Pilipinas organization si Gwendoline Meliz Soriano bilang Miss SnowCaps Radiance noong launch ng partnership ng Binibining Pilipinas at ng glutathione brand na SnowCaps sa Novotel Manila Araneta City.

Sa interview sa GMA Lifestyle pagkatapos ng announcement, ibinahagi ni Gwendoline kung ano sa tingin niya ang nagpapanalo sa kanya.

“If ang basis po natin is 'yung how we walk and how we presented ourselves, kasi we were able to speak, nakakatuwa. Maybe because of what I also said na true radiance really comes from within, and that's what I've been really holding onto, even before,” paliwanag niya. “When I show up, I really do so with courage, with confidence, even if I know that I am not perfect physically. It's really how I present myself, and hopefully, I get to radiate that confidence and radiance.”

Kamakailan lang ay pinakita rin ang beauty and body leaderboards ng mga candidates na kasali sa pageant ngayong taon.

Ang top 10 sa beauty shots ay sila Mary Adeline Ramirez ng Malaban City, si Zilanni Eve Rojas ng Zamboanga City, Kristeen Mia Lucero ng Bulacan, Christine Joelle Usaraga ng Cebu, at si Georgette Nicole Coronacion ng Carmona City sa top five.

Ang natitira sa top 10 ay sila Camille Bernadette Martin ng Cavite City, Samantha Marie Zabarte ng Dasmariñas, Britney Angel Rubino ng Antique, Gwyneth Jemimah Chan ng Cagayan de Oro City, at Jarina Sandhu ng Isabela.

Samantala, ang swimsuit body shot leaderboard naman ay binubuo nila Britney Angel Rubino ng Antique, Ivy Padilla ng Misamis Oriental, Gwendoline Meliz Soriano ng Baguio City, Zilanni Eve Rojas ng Zamboanga City, at Anne Klein Castro ng Pampanga.

Ang natitira sa top 10 ay sila Alisa Keith Irugin ng Cavite City, Ma. Kathrina Pauline Cudia ng Nueva Ecija, Gwyneth Jemimah Chan ng Cagayan de Oro City, Ivy Oresca ng Bicol Region, at si Shara Maxine Barber ng Palawan.

Magiging parte rin ng Grand Parade of Beauties ang mga candidates. Gaganapin ang parade sa July 11, 4 p.m., sa Araneta City Grounds.

Ang 35 finalists ay lumalaban para maging successor ng kasalukuyang Binibining Pilipinas International Katrina Anne Johnson.

Related Gallery: The Binibining Pilipinas queens dazzle with their beauty shots