
Mapapanood sa Sarap, 'Di Ba? ang isang exciting na tapatan ng '90s action stars na sina Zoren Legaspi at Jeric Raval, at team pa-cute na sina Mavy Legaspi at Ruru Madrid.
Sa Sabado, November 18, magsasama-sama sina Zoren, Jeric, Mavy at Ruru para sa iba't ibang mga challenge na inihanda ng Sarap, 'Di Ba?
Hindi lang challenges ang kanilang haharapin sa Sabado dahil may inihanda pa sina Carmina Villarroel at Cassy Legaspi na intense at intriguing questions para sa "Trip to the Hotseat"!
Mula sa Sarap, 'Di Ba? kitchen ay mapapanood ang paggawa nina Zoren at Carmina ng masarap na Rellenong Tinapang Bangus.
Abangan ang lahat ng ito ngayong Sabado (November 18) at huwag kalimutang sumali sa Sarap Manalo Promo ng Sarap, 'Di Ba?. Mapapanood din ang Sarap, 'Di Ba? sa Kapuso Stream ng GMA Network at Adventure. Taste. Moments (ATM) YouTube channel.