
Nitong Lunes, January 20, malalaman ni Katharine (Thea Tolentino) na buntis siya at gagamitin niya ito para i-urong ni Sean (Juancho Trivino) ang kaso laban sa kanya.
Sa bilangguan matutuklasan ni Katharine na muli niyang dinadala ang anak nila ni Sean. Ngayong nahaharap siya sa ilang kaso na magdadala sa kanya sa kulungan pang-habangbuhay, gagamitin niya ang kanyang pagbubuntis para kumbinsihin si Sean na i-atras ang mga kaso laban sa kanya.
Ito na nga ba ang bagong alas ni Katharine?
Panoorin:
Tutok na tuwing Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Prima Donnas at tiyak na mamahalin ninyo ang Madrasta!