
Muling magsasanib puwersa ang lahat ng sangay ng GMA Network upang maghatid ng sariwa, kumpleto at totoong balita ngayong Eleksyon 2022.
Bilang nangungunang broadcast network sa bansa, binuo ng GMA ang pinakamalaking election coverage para sa darating na eleksyon ngayong Mayo.
Kasama rito ang 11 regional TV stations, 24 radio stations, 51 election coverage partners, at nasa mahigit sa isang libong news and public affairs personnel across all platforms.
Layunin ng election coverage na ito ang maihatid ang pinakamaiinit na mga balita hinggil sa eleksyon sa mahigit 80 milyong Pilipino sa bansa at maging sa lampas isang milyong Pilipino na nasa 103 iba pang mga bansa sa abroad.
Ibibigay rin ng GMA ang karapatan ng bawat botante na kilatisin ang mga kandidato at alamin ang tamang proseso ng pagboto gamit ang Interactive Eleksyon 2022 Microsite.
Direkta ring ihahatid ang latest election updates sa 173 million-plus followers at subscribers ng GMA News & Public Affairs social media pages.
Buong puwersa, buong puso, at buong tapang na pagbabalita para sa Pilipino. Tutukan ang Eleksyon 2022: The GMA News and Public Affairs Coverage.