
Ibinahagi ng comedienne-actress na si Cai Cortez ang dahilan kung bakit naging espesyal sa kaniya ang kaniyang kaibigan at kapwa komedyante na si Kakai Bautista.
Sa Fast Talk with Boy Abunda, inamin ni Cai na marami siyang natutunan sa kaibigang si Kakai.
Kuwento ni Cai sa TV host na si Boy Abunda, “Isa siya sa mga nagturo sa akin kung gaano ako ka-special bilang tao.”
Ayon kay Cai, si Kakai ang nagturo at nagpaalala sa kaniya ng pagpapahalaga sa sarili.
Aniya, “So she was a stepping stone in realizing na hindi dapat ako pumapayag na mabastos, ma-disrespect, and kaya kong tumayo sa sarili kong mga paa.”
Dagdag pa niya, “That's why this girl is so special to me.”
Nang tanungin naman ni Boy si Cai kung ano ang gusto niyang itanong kay Kakai, ito ang kaniyang sinabi, “Babe, when will you open your heart?”
Bago pa magkaiyakan binasag naman ni Kakai ang namumuong emosyon, “May insurance ka na ba?” pabalik na tanong ng komedyante kay Cai.
Samantala, masaya na rin ngayon si Cai sa kaniyang buhay kasama ang kaniyang dalawang anak. Habang enjoy naman sa pagiging single si Kakai.
SILIPIN ANG MASAYANG PAMILYA NI CAI CORTEZ SA GALLERY NA ITO: