What's on TV

Camille Prats, a proud mom to Nathan

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 22, 2020 2:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Update on Bagyong Wilma as of 11 AM (Dec. 6, 2025) | GMA Integrated News
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News



Naging busy si Camille Prats bago pa man magtapos ang taong 2013. Nariyan ang mga taping para sa kanyang show na 'Mars' at ang bagong Afternoon Prime na programa, ang 'The Borrowed Wife'. May oras pa ba siya para sa kanyang anak na si Nathan?

Naging busy si Camille Prats bago pa man magtapos ang taong 2013. Nandiyan ang mga taping para sa kanyang show na Mars at ang bagong Afternoon Prime na programa, ang The Borrowed Wife. Ngunit sa pakikipagusap ng GMANetwork.com sa actress/host, ikinuwento ni Camille na hindi siya nawalan ng oras sa pakikipagbonding sa kanyang anak na si Nathan nitong nakaraang Pasko at Bagong Taon.

Kuwento niya, noong Pasko, nagpunta sila ng kanyang pamilya sa Batangas. “We have a small farm there so laro sa playground at takbo sa grass. Siyempre kapag nasa ganung lugar ka puro puno. So ayun, kain.” Ibinahagi din ni Camille kung paano humiling si Nathan ng regalo mula kay Santa Claus.

“Humingi siya kay Santa. Kasi ayun nga e, dahil bata pa siya before hindi niya naman naiintindihan 'yung concept ng Santa. So one day, he came from school na may letter for Santa. Tapos 'yung medyas niya na suot niya from school, doon din niya ipinasok 'yung papel niya tapos isinabit sa Christmas tree. So pag-uwi namin, nagtaka kami kung bakit may medyas ni Nathan dito [sa Christmas tree]? Tapos pagkapa ko, may laman sa loob,” ang nakakatuwang kwento ni Camille.

Ayon sa actress/host, bumili sila ng Christmas socks, kapalit ng medyas na ginamit ni Nathan. Ayon sa kanya, dahil malalaki na silang lahat, na-outgrow na nila si Santa Claus. Nakalimutan umano nila na may bata pa silang kasama sa bahay.

Nakakatuwa namang ikinuwento ni Camille na nagtaka si Nathan kung bakit siya lang ang nagwish kay Santa Claus.

Para mapasaya si Nathan, “kunyari nagwish kami kay Santa. Tapos the following day, tinanggal ko na 'yung sulat niya kunyari natanggap na kasi ni Santa. Nakakatuwa lang na parang, eto na 'yung age na nagiisip na siya on these things,” dagdag niya.

Nung New Year naman, proud na ikinuwento ni Camille ang first time na paghawak ni Nathan ng sparklers. Ayon kay Camille, “dahil nga 5 na siya, nakikita mo na mas nagmamature na siya. Naiintindihan niya na 'yung konsepto ng New Year at Christmas. Naghihintay na siya ng 12 midnight.”

Makikita sa mata ni Camille ang pagmamalaki kay Nathan. Pahabol pa niya “naiintindihan na niya kung ano 'yung konsepto ng tradition at 'yung magcelebrate ng ganong mga okasyon.”

Abangan si Camille sa nalalapit na pagsisimula ng The Borrowed Wife at weekdays sa Mars on GMA News TV.

-Text by Maine Aquino , Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com