
Malaki umano ang naging pagbabago sa Mommy Dearest stars na sina Camille Prats at Katrina Halili simula nang mawalan sila ng mga minamahal sa buhay.
Matatandaan na pumanaw ang unang asawa ni Camille na si Anthony Linsangan noong 2011 dahil sa cancer. Samantalang binawian naman ng buhay ang partner ni Katrina na si Jeremy Guiab noong 2024 dahil naman sa isang fatal heart attack.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, June 3, ibinahagi nina Camille at Katrina kung paano sila nabago ng pagkawala ng kanilang mga minamahal. Para kay Camille, mas naghahanap siya ng deeper connection sa mga taong nakakasalamuha niya.
“Siguro Tito Boy, ngayon, ako, for me, I would rather have meaningful connections rather than just 'yung mababaw lang. And I would say that in all aspects of my life, even sa trabaho,” sabi ng aktres.
Pagpapatuloy pa ni Camille, mas pipiliin pa niya kumonekta sa isang tao “in a deeper way” sa pamamagitan ng malalalim na kwentuhan at usapan, kaysa magkaroon ng small talks na balewala lang.
BALIKAN ANG CELEBRITIES NA NAGLULUKSA SA PAGPANAW NG MGA MINAMAHAL NILA SA BUHAY NGAYONG 2025 SA GALLERY NA ITO:
Aminado naman si Katrina na sa panahon ngayon ay hindi na alam kung ano ang pwedeng mangyari sa buhay kaya naman para sa kaniya, importanteng ma-enjoy ang oras na kasama ang mga taong mahal mo.
“Enjoy mo na lang 'yung kung sino 'yung mga gusto mong makasama. Enjoy mo 'yung mga moment, kunyari 'yung family mo, anak mo, 'yung trabaho mo, enjoy mo lahat kasi hindi natin alam,” sabi ng aktres.
Samantala, binalikan din ni King of Talk Boy Abunda ang sinabi ni Katrina nang huli itong mag-guest sa show. Sinabi umano nito na masaya ang kaniyang puso kaya tanong ng batikang host, “Nasaan ngayon ang iyong puso?”
“Nandito pa rin po, Tito Boy. Masaya siya siyempre kasi extended kami (Mommy Dearest),” sagot ni Katrina.
Panoorin ang panayam kina Camille at Katrina dito: