Article Inside Page
Showbiz News
Kuwento ni Camille sa 'Love Hotline' na malapit na maging American citizen ang kanyang fiance kaya hindi rin niya naisip na ngayong taon sila ma-e-engage.
By CHERRY SUN
Naganap noong July ang engagement ni Camille Prats sa kanyang non-showbiz at US-based boyfriend na si VJ Yambao.
Kung noon ay tungkol sa long distance relationship ang mainit na itinatanong sa Mars host, ngayon ay hindi naman maiwasang usisain kung sino sa kanila ng kanyang fiancé ang iiwanan ang career para tuluyang makapagsama kapag ikinasal na sila.
Kuwento ni Camille sa 'Love Hotline' na malapit na maging American citizen ang kanyang fiance kaya hindi rin niya naisip na ngayong taon sila ma-e-engage.
Paliwanag niya, "'Yung proposal niya hindi ko naman ine-expect na this year mangyayari. Kailangan niya bumalik sa America kasi kailangan niya ayusin 'yung papers niya kasi magiging citizen na siya. Kailangan pa niyang punuin 'yung mga panahon to become a citizen. That’s why he needs to go back."
Grade 2 sina Camille at VJ nang una silang magkakilala. Nagkita lamang sila muli matapos ang 18 taon at lalong nagkapalagayan ng loob sa madalas na pag-uusap at sa tulong na rin ng Facebook.
Aminado ang dating child star na hindi madali magkaroon ng isang long distance relationship ngunit nakasalalay raw ito sa magkarelasyon kung ito ay magtatagal. Aniya, "Wala ito sa distance eh, nasa tao 'yan. Kung gusto mo siya mag-work, nasa inyo 'yun."
Matapos ang kanilang pag-iisang dibdib sa 2017 ay kasunod na plano sa pagbuo ng kanilang pamilya, balak ng engaged couple na tuluyang magsama sa iisang bubong.
"'Yung napapag-usapan palang namin ngayon, dito kami sa atin. Tapos, it’s just a good thing also na parang we have an option if ever we decide to explore opportunities in the States, we can do so," bahagi ni Camille.
Sino sa kanila ni VJ ang handa magsakripisyo at talikuran ang career?
Pag-amin niya "Ako honestly, this (being in showbiz) is something that I really love to do kasi kung hindi naman siguro, wala na siguro ako dito ngayon. But the thing is, I’m happy na nandito pa rin ako at gusto pa rin ako ng showbiz. Kasi kailangan both ways ‘yun eh. 'Yun talaga mahihirapan ako i-give up."
"But more than that, mas pangarap ko siguro maging nanay tsaka asawa. I want a big family, I want more kids. But of course, I still want to work. Alam naman ni VJ ‘yun and he supports me in that," patuloy ni Camille.