GMA Logo Camille Prats, Kuya Kim Atienza
What's on TV

Camille Prats, humingi ng tawad kay Kuya Kim Atienza nang mag-viral ang kanyang meme

By Kristian Eric Javier
Published December 25, 2025 4:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

VP Sara Duterte on alleged visit to Teves: I neither confirm nor deny
Power supply disrupted after man walks on power lines in Davao City
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Camille Prats, Kuya Kim Atienza


Camille Prats nang mag-viral ang kanyang "Pinakapaboritong mars" meme: "The first thing that I did was I apologized"

Nag-viral ang pagbisita ng Pinakapaboritong Mars na si Camille Prats sa Kapuso countdown variety show na TiktoClock noong Oktubre.

Masaya kasing sinalubong ang aktres bilang guest co-host sa programa matapos ang madamdaming mensahe ng mga host para kay Kuya Kim Atienza sa pagpanaw ng anak nito na si Emman.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, binalikan ni Camille ang kaniyang viral moment sa naturang show.

“Nagulat ako, Tito Boy. I was surprised because coming in to the show, they asked me to guest co-host du'n sa TiktoClock and when I came, they said, 'Oh, you have a production number 'cause you're guesting so it needs to be special,'” pag-alala ni Camille.

Pagbabahagi ng actress-TV host, hindi niya alam kung ano ang pinanggalingan ng programa noong ipakilala siya dahil abala siya sa pag-memorize ng steps para sa production number.

“And then that afternoon, nagulat na lang ako na I was all over social media,” sambit ni Camille.

Naiintindihan naman umano ng aktres kung bakit nag-trend ang guesting niya na iyon. At ang una niyang ginawa nang makita si Kuya Kim, humingi ng tawad.

“I'm like, 'Kuya, forgive me, I didn't know.' Kasi hindi ko alam kung ano ang na-feel niya, e. And siyempre I'm grateful na he put it lightly because he's always been that way and I'm so grateful for that, but I felt that it was -- gets ko talaga, Tito Boy,” sabi ni Camille

Pagpapatuloy ng aktres, “So I apologized to him and he goes, 'You know, Cams, it's not your [fault],' 'Yeah, I know, but I should have known.' And what's important is he's fine, he's okay, he's happy, we're okay, and I'm glad I'm able to make people happy because of that so okay na rin.”

Sa pagbisita ni Kuya Kim sa parehong GMA Afternoon Prime talk show noong Nobyembre, inamin ng Kapuso host na natatawa pa rin siya tuwing naaalala ang pag-trend ng Kapuso star.

“Si Camille, 'yan ang ano e… Ginawa nila sa TiktoClock 'yan kasi namatayan ako e. Nag-spiels muna sila at sinabi nila na 'Kuya Kim, mahal ka namin.' Sabay pasok si Camille Prats. Pagtingin ko, trending na siya e, siguro mga 5,000 comments na nung nakita ko at natawa ako, Boy. Natanggal ang lungkot ko,” ani Kuya Kim.

Pagpapatuloy pa niya, “Very effective si Camille Prats sa akin. Talagang 'pag nakikita ko, hanggang ngayon natatawa pa rin ako. Hanggang kay Juan Ponce Enrile, Camille Prats. Pagdating kay Imee Marcos, Camille Prats pa rin, hanggang Miss Universe, Camille Prats. Siya na ang Pambansang Dopamine, The Dopamine of Asia.”

Panoorin ang buong panayam kina Camilleat VJ Yambao dito: