
Isa si Camille Prats sa celebrities na maghahatid ng tulong sa mga residente ng Batangas.
Ayon kay Camille, ang kailangan nila ay ilang mga produktong ito para ihatid sa Balete, Batangas.
Kabilang sa mga ito ang mga pagkain, damit, kumot, sleeping mat, tsinelas, at toiletries.
Ibinahagi rin ng Mars Pa More host ang ilang detalye kung paano makapagdo-donate sa mga Batagueño.
"You may send your donations at our head office: Ds Prats Group of Companies Imelda Ave. Brgy. Sto. Domingo, Cainta, Rizal (Infront of Kasibulan Village) Call us at 8-534-9644/ 8-240-5021."
Sa hiwalay na post, sinabi ni Camille na patuloy siyang nagdadasal para sa kaligtasan ng mga taong apektado ng pagputol ng Taal volcano.
"Behind us is the beautiful and serene Taal Lake, we went boating last January 4 and even took Nala with us.
"Praying for our kababayans who live in the area, mga kalapit bayan naming taga Balete where @nayomiresort is located.
Let's all help in our own ways by reaching out to people who are organizing relief efforts to help
our dear kababayans. Let's continue to pray for one another."