
Masayang ibinahagi ng Kapuso actress na si Camille Prats ang loob ng ipinapatayo nilang bahay ng asawang si VJ Yambao.
"The YambHouse slowly coming together. These beautiful pieces brighten up our home making it feel warm and cozy just the way we like it," sulat ni Camille sa Instagram.
Taong 2020 pa nang sinimulan nina Camille at VJ ang pagpapatayo ng kanilang bahay.
"Still missing some pieces here and there but no rush."
Minimalist ang tema ng interior ng bahay nina Camille at VJ, at aprubado ito ng kanyang mga kaibigan sa showbiz, lalung-lalo na ang naging co-hosts ni Camille sa Mars Pa More na sina Iya Villania at Kuya Kim Atienza.
Bukod kay Camille, kilalanin ang iba pang celebrities na nagpatayo ng bahay ngayong may pandemya dito: