
Handa nang bumuo ng bagong alaala si Camille Prats sa paglipat sa kanyang dream home kasama ang asawang si VJ Yambao at tatlong anak na sina Nathaniel, Nala, at Nolan.
Sa Instagram, ibinahagi ni Camille ang huling araw nilang mag-asawa sa naging tahanan nila sa loob ng dalawang taon.
"Time to turn a new leaf," sulat ni Camille.
Dagdag niya, "Today was our last day in a place we called home for [two] years. Grateful for the memories shared and friends we've made during our stay here."
Una nang ibinahagi ni Camille ang paglipat sa kanilang pinapangarap na bahay na mayroong tatlong palapag noong nakaraang Disyembre kung saan sinisimulan na rin ang konstruksyon.
Samantala, alamin kung paano napapanatiling aktibo ni Camille Prats ang mga anak na sina Nathaniel, Nala, at Nolan kahit na may pandemya sa gallery na ito: