
Hindi na bago para sa magkakaibigang Camille Prats, Iya Villania, at Suzi Entrata ang chikahan tuwing nagkikita.
Sa dinami-rami ng mapag-uusapan, ano nga ba ang ginagawa nila kapag napupunta na sa mga sensitibong paksa katulad ng pulitika?
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, May 20, inamin nina Camille, Iya, at Suzi na hindi nila pinag-uusapan ang mga paksa na maituturing nilang sensitibo. Sa katunayan, iniiwasan pa nga nila ito.
“Kami, definitely pagdating sa politics, it's not something that comes up. 'Tapos, if there's a frustration that's like a blanket frustration, wala nang details. Kahit saan ka naman galing na political side, lahat naman tayo medyo frustrated at this point,” sabi ni Suzi.
Sabi pa ng Unang Hirit host, hanggang ngayon ay hindi nila alam ang political colors ng isa't isa.
KILALANIN ANG CELEBRITIES NA TUMAKBO SA NAGDAANG ELEKSYON SA GALLERY NA ITO:
Ayon kay Camille, may mga pagkakataon naman na iniintindi nila ang perspektibo ng isa't isa pagdating sa ibang mga paksa na napag-uusapan.
“Meron kaming 'Ah, maganda rin 'yang point mo, a. Hindi ko nakita 'yung perspective mo na 'yan, pero parang okay din 'yan.' So we just respect each other, learn from each other's point of view,” sabi ng A Million Dreams actress.
Sabi pa ni Camille, “We were learning so much from each other with different points of view, pero walang magtatalo, walang magtatampuhan, walang ganiyan.”
Para kay Suzi, dahil may respeto sila sa isa't isa, mas bukas din sila sa kani-kanilang mga opinyon. At para kay Iya, iyon ang ikinaganda ng kanilang pagkakaibigan.
“It's really the respect that we have for each other and the genuine joy that we have being with each other. Because if we would easily get turned off by differences, then obviously, it's probably not that great of a relationship or friendship,” sabi ng “Chika Minute” presenter.
Panoorin ang panayam kina Iya, Suzi, at Camille dito: