What's Hot

Camille Prats, kinonsulta ang anak tungkol sa kanyang fiancé

By MARAH RUIZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 1, 2020 9:33 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Australia shuts dozens of east coast beaches after shark attacks
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



"Sinabi ko sa kanya (Nathan), 'Do you like Tito VJ? Kasi we only get to choose once, we cannot choose anymore. If we choose Tito VJ, Tito VJ is forever na.'" - Camille


 

A photo posted by Camille Prats (@camilleprats) on

 

"Tito VJ" daw ang tawag ng anak ni Kapuso actress and host Camille Prats na si Nathan sa kanyang fiancé na si VJ Yambao. Pero nabanggit daw ng kanyang anak na magbabago ito matapos nilang ikasal ni VJ.

LOOK: 21 celebrities who started showbiz below 10 years of age

"Ang sabi niya kasi, 'Once you're married na, I'll call him daddy na.' Sabi ko, 'That's up to you, whenever you're ready,'" kuwento ni Camille sa piling miyembro ng media, kasama na ang GMANetwork.com.

Number one priority pa rin niya ang kanyang anak kaya kinonsulta raw niya ito mula sa maagang stages pa lang ng kanyang relasyon kay VJ. 

"Mahabang consultation, it took a while. I introduced VJ first as a friend. Tapos eventually, si VJ na 'yung bahala kung paano siya magugustuhan ng anak ko," bahagi ng Wish I May actress.

Nang makita niyang mabuti naman ang pakikitungo ni Nathan kay VJ, dito na niya tinanong ang kanyang anak. 

"Ang sinasabi ko sa kanya, I can only have one partner so kailangan, magchu-choose tayo ng maayos," aniya.

"Sinabi ko sa kanya, 'Do you like Tito VJ? Kasi we only get to choose once, we cannot choose anymore. If we choose Tito VJ, Tito VJ is forever na,'" pagpapatuloy niya.

Ilang araw rin daw na nag-isip si Nathan at kusa itong lumapit sa kanya.

"He was around 5 or 6. Sabi niya, 'I think Tito VJ is okay na. We will choose him na. We'll have him forever na," bahagi ng Mars host.

Mahalaga para kay Camille na bigyan ng "constant" ang buhay ni Nathan, lalo na at maagang nawala ang ama nitong si Anthony Linsangan. 

LOOK: 31 Celebrities who do not look their age

"I don't want my son na kalakihan niya na iba iba 'yung boyfriend ko. People come and go talaga in life [pero] gusto kong ipa-feel sa kanya na, no anak, people don't come and go. Some people really stay forever. I want him to know that," paliwanag ni Camille. 

"Gusto ko lang ipa-feel sa kanya na hindi lahat ng tao na darating sa buhay natin aalis lang din ng basta basta. Ayoko siyang lumaki sa ganun klaseng [environment]," pagdidiin nito.

MORE ON CAMILLE PRATS:

Camille Prats, naranasang pagbawalang pumasok sa isang sinehan

Camille Prats, nangbato ng laptop sa sobrang galit