GMA Logo AraBella
Source: althea_ablan30/IG
What's on TV

Camille Prats, na-enjoy ang taping ng 'AraBella'; grateful sa team at cast

By Kristian Eric Javier
Published August 23, 2023 10:45 AM PHT

Around GMA

Around GMA

DSWD: Over P8.4M in relief aid given to Albay LGUs affected by Mayon Volcano unrest
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

AraBella


"I had the best time taping 'AraBella.'" - Camille Prats

Para sa Kapuso actress at mom na si Camille Prats, isa sa pinaka na-enjoy niya sa kaniyang karera sa showbiz ay ang taping ng comeback series niya na AraBella. Kaya naman ipinahayag nito kung gaano siya ka-grateful sa director nitong si Adolf Alix Jr., sa mga co-stars niya, at sa buong team na bumuo ng serye.

Sa interview ng GMANetwork.com kay Camille sa nagdaang Modern Parenting Parentalk noong August 20, ipinahayag niya kung gaano siya kasaya sa paggawa ng katatapos lang na serye.

“I had the best time taping 'AraBella.' The team was amazing, I would always say how I appreciate Direk Adolf for such an amazing leadership that he was able to do for us kasi wala, sobra akong happy with the set, sobrang happy vibes lang,” sabi nito.

Dagdag pa nito, maganda ang storya ng serye at naging malapit din siya sa kaniyang co-actors kaya naman sobrang proud siya na nagawa niya ang proyekto.

“I'm really grateful na nagawa ko 'yung show na 'yun and I'm also happy na it turned out well also, ratings wise, and kung paano siya tinanggap ng mga tao,” sabi nito.

Sa totoong buhay ay may dalawang teenage sons si Camille, sina Nathan at Ice na anak ng kaniyang asawang si VJ Yambao. Samantalang sa serye ay meron naman siyang teenage daughters, si Ara, na ginampanan ni Shayne Sava, at si Bella, na ginampanan naman ni Althea Ablan.

Nang tanungin ang aktres kung ano ang pinagkaiba ng pagkakaroon ng teenage daughters sa serye at teenage sons sa totoong buhay, ang sagot ni Camille, “You know, it's somehow the same.”

“Every time I have shooting days, kasi ka-dressing room ko 'yung dalawa, so you know, I talk to them intentionally,” sabi nito.

Ayon kay Camille ay bukod sa small talks, meron din silang deep talks nina Shayne at Althea tungkol sa buhay at mga future plans ng mga ito.

“We talk about relationships, siyempre may pangaral na rin na very slight na parang may mga love life, but, you know, always be aware of your actions and consequences, mga ganun. So na-enjoy ko 'yun because I really felt like an ate to the both of them,” sabi nito.

Ang masasabi naman ni Camille tungkol sa pakikipagtrabaho kina Shayne at Althea, “Sobrang gaan, ang gagaling nilang mga bata, wala akong masasabi.”

“They're very professional, always on time, very helpful with a lot of things so dun palang, sobrang grateful na'ko,” sabi nito.