
Inilahad ni Camille Prats na si Iya Villania ang kanyang naging fitspiration.
Si Camille ngayon ay isa sa celebrities na hinahangaan dahil sa kanyang fitness routine. Kasama niya sa kanyang fitness journey ang asawang si VJ Yambao.
Kuwento ni Camille sa kanyang cooking vlog kasama si Iya, "Kaya ako nangangayayat ng ganito, dahil sa kanya (Iya)."
Ayon kay Camille, nagsimula siyang ma-motivate ni Iya noong sila ay nagkatrabaho sa Mars Pa More.
Biro ni Camille, "Kapapanganak ko pa lang kay Nolan so what do you expect? I was in the best shape of my life and mars was like at her peak."
PHOTO SOURCE: @camilleprats
Paliwanag pa ng Kapuso star, nakikita niya ang resulta ng fitness routine ni Iya.
"Tinitingnan ko, sina-scout ko talaga 'yung hitsura niya. Grabe may abs tong babaeng 'to. May abs talaga siya, putok. Tapos naka-relax lang 'yun ha."
Ang tumatak raw sa isip ni Camille ay ang sinabi ni Iya sa kanya tungkol sa kanyang katawan.
"Paghihirap, mars. As in pinaghihirapan ko talaga 'to. 'Yun 'yung eksaktong sinabi niya sa akin. That's what really got me into really working out.
"Siya yung nagsabi sa akin na mars, mahirap talaga," pag-amin ni Camille.
Panoorin ang kanilang naging bonding at kuwentuhan sa video na ito:
TINGNAN ANG MGA LITRATO NI CAMILLE PRATS BILANG CELEBRITY FITSPIRATION: