GMA Logo camille prats and katrina halili
What's on TV

Camille Prats, na-pressure kay Katrina Halili sa 'Mommy Dearest'

By Kristian Eric Javier
Published June 4, 2025 2:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PH aims to boost cruise tourism growth
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

camille prats and katrina halili


Alamin dito ang sinabi ni Katrina Halili na nakapagpa-pressure kay Camille Prats:

Masayang-masaya ang mga bida ng hit GMA Afternoon Prime series na Mommy Dearest na sina Camille Prats at Katrina Halili nang malaman na extended ang kanilang serye. Ngunit ang naturang extension, may kalakip pala na pressure para sa Kapuso stars.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, June 3, ipinahayag nina Camille at Katrina kung gaano sila kasaya dahil na-extend ang kanilang serye. Ngunit ayon kay Camille, pinressure din siya ni Katrina para mangyari ito.

Kuwento ni Camille, “Kami kasi ni Mars Kat, magkakuwarto kasi kami nito, so we're always together. So may time din, Tito Boy, na pinressure niya ako. Nagme-make up ako, dumadaan-daan siya sa likod ko, sabi niya, 'Camille, lahat ng show ko, Camille, na-e-extend.'

“'Mars, parang pine-pressure mo 'ko, a?' Sabi ko, 'Kapag hindi na-extend itong show mo na 'to, parang kasalanan ko, a?' 'Tapos sabi niya, gumaganu'n siya, 'Basta Mars, a? Sinabi ko na sa'yo 'yan. Lahat ng show ko, na-e-extend, bahala ka na diyan,'” Pagpapatuloy ng aktres.

BALIKAN ANG MGA BIDA SA HIT AFTERNOON PRIME SERIES NA 'MOMMY DEAREST' SA GALLERY NA ITO:

Aminado naman si Katrina na maging siya ay nakaramdam ng pressure lalo na noong hindi pa na-e-extended ang kanilang serye lalo na at tinagurian siyang “lucky charm.” Aniya, bago pa sila ma-extend ay tinanggap na niyang hindi ito mangyayari.

Saad ni Katrina, maganda naman ang ratings at tinangkilik naman ito ng mga tao kaya okay na siya kahit hindi ito ma-extend.

“Medyo nakaka-pressure, promise. Nu'ng hindi pa kami nag-e-extend, sabi ko, 'Hindi pa kami nag-e-extend.' Sabi ko, 'At least, number one naman. Sige, okay lang,'” ani Katrina.

Pagpapatuloy ng aktres, “Nu'ng hindi pa kami na-e-extend, tanggap ko na.

Pabirong hirit naman ni Camille, “Oo, bago mo ako i-pressure.”

Panoorin ang panayam kina Camille at Katrina dito: