What's Hot

Camille Prats, nagsalita tungkol sa relasyon nina John Prats at Isabel Oli

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated October 31, 2020 6:48 AM PHT

Around GMA

Around GMA

UAAP: UST gains confidence boost ahead of crucial game vs NU
Farm to Table: (April 19, 2026) LIVE
Stories of hope, strength, and new beginnings

Article Inside Page


Showbiz News



Nakapanayam ng Startalk TX team si Camille Prats sa press conference ng bago niyang afternoon series, ang Bukod Kang Pinagpala. Dito naikuwento ni Camille ang totoong estado ng relasyon ng kapatid niyang si John at ng Kapuso actress na si Isabel Oli.

Nakapanayam ng Startalk TX team si Camille Prats sa press conference ng bago niyang afternoon series, ang Bukod Kang Pinagpala. Dito naikuwento ni Camille ang totoong estado ng relasyon ng kapatid niyang si John at ng Kapuso actress na si Isabel Oli.

"They're in touch, they're talking. Si John na-interview namin siya sa MARS, nag-phone patch siya. At ang statement niya, i-quote ko talaga 'yung kapatid ko dito. 'They're dating.' They're going out," shares Camille.

She also claims to have introduced John and Isabel to each other, and she hopes na sa pagiging tulay niya sa dalawa ay mag-work ang relationship nila. "Ako nga ang nagpakilala sa kanilang dalawa. Tapos sabi niya sa akin 'Bakit ngayon mo lang kasi ako tinulungan?' Sabi ko 'Eh kaya nga failed siguro 'yung past relationships mo kasi walang basbas ko. Malay mo this time mag-work na talaga.'"

Hindi man daw sila masyadong magkakilala ni Isabel ay alam niyang mabuting tao ito and will make her brother happy."Ako naman whoever makes my brother happy, masaya ako. I like Isabel. I may not know her personally, but I always had a good feeling about her. She's one of those people here in showbiz na mabilis kong nakagaanan ng loob."

Sa tingin kaya niya, seryoso si John sa panliligaw nito sa kontrabida ng Forever? "I think so. My brother has always been serious with his past relationships. Siguro hindi lang talaga nag-work, hindi pa niya nahahanap 'yung para sa kanya. I hope this time nahanap niya na," she notes.

Abangan si Camille Prats bilang Bessie sa Bukod Kang Pinagpala, weekdays pagkatapos ng Yesterday's Bride, sa GMA Afternoon Prime. -- Michelle Caligan, GMANetwork.com