
Siya ay 8 years old pa lamang noon.
Flashback 1995, kilalang child star si Camille Prats bilang si Princess Sarah. Ito rin ang panahon na naranasan niya ang kanyang first kiss.
“Ako [ay] eight years old [noong] ninakawan ako ng kiss,” kuwento niya sa Mars. Natatandaan pa rin iyon ng Kapuso star makalipas ang dalawampu’t tatlong taon, “Memorable ‘yun kasi first nga pero cute [‘yun ha].”
Nagkuwento rin ang young actor na si Phytos Ramirez tungkol sa parehong paksa, “Grade 5 [ako at] ninakawan din ako ng kiss pero sa harapan ng teacher.”
Classmate niya raw ang gumawa noon, “Nag-uusap kami sa likod tapos hindi namin alam na may [professor] na pala. Bigla niya ako [hinalikan] tapos [nakita ng] prof.”
Hindi raw ito makakalimutan ng Mars guest celebrity dahil, “Na-suspend ako [at] siya din [na] suspend.”
MORE ON CAMILLE PRATS:
LOOK: #PrincessSarahSaidYes: Camille Prats is engaged!
READ: The Camille Prats & VJ Yambao Love Story: Second Chance At Love