What's Hot

Camille Prats, pabebe o papilit?

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 28, 2020 7:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

In Focus: Chavit Singson (Teaser pt. 2)
Lalaki, ano ang nahanap sa lugar na tinatahulan ng kanyang mga aso? | GMA Integrated Newsfeed
January 19, 2026: One North Central Luzon Livestream

Article Inside Page


Showbiz News



Ano sa tingin n'yo mga Kapuso?
By BEA RODRIGUEZ
 
 

A photo posted by Camille Prats (@camilleprats) on

“Papilit is the new pabebe,” ayon sa hot topic ng Mars Sharing Group. Inamin ni Mars Camille Prats na siya ay isang papilit sa kanyang mga kapatid, “Ako na-realize ko na papilit pala ako.”
 
Ang dahilan bakit ganun umano siya sa mga kapatid niya, lalong-lalo na kay Mimi (Naomi Prats) ay para matutunan nilang gawin ang mga bagay-bagay.
 
READ: Camille Prats graces cover of work-life magazine 
 
Kuwento niya, “Si Mimi si pabor ‘yan eh, kulang na lang lahat sa buhay niya, ako gumawa. So ako naman siyempre ayoko. I want you to do it on your own. I know na siyempre sa loob-loob ko, hindi naman hihingi ng tulong kung kaya niya.”
 
Papanindigan raw ito ng aktres hanggang umalis ang kanyang kapatid at saka siya kusang lalapit. Dagdag niya, “Ang hirap kasi parang ang dami mo nang ginagawa, siyempre may work ka na [tapos andiyan pa] si Nathan.”
 
READ: Camille Prats, a proud mom to Nathan 
 
Natatawa raw siya sa style ng kanyang mga kapatid. Pagpatuloy ni Camille, “Si Mimi ipipilit niya ang sarili niya. Kunwari, nasa CR ka na, ‘Uy ate gawin mo na ‘to.’ [Sasabihin ko,] ‘Pwede maligo? Ito na oh!’ Sabihin niyang ‘Sandali lang ‘to.’ Habang nakatapis ka, ginagawa namin ‘yung assignment niya.”
 
Ang lalaki niyang kapatid naman ay matiyaga maghintay sa kanyang ate upang magpatulong sa mga kung ano-anong gawain. Pagtatapos niya, “Oh my gosh, ano ba ‘to? ‘Yun minsan lang, dun ako papilit sa kanila.”
 
READ: Camille Prats, nagkuwento tungkol sa engagement