
Proud na proud ang aktres na si Camille Prats sa hilig ng kanyang panganay na anak na si Nathan sa paglalaro ng football.
Bata pa lang si Nathan ay nahilig na ito maglaro ng football kaya naman hindi mapigilan ni Camille na magbalik tanaw ngayong naglalaro pa rin si Nathan ng kanyang "first love."
"Kids really find what they love to do through the things you expose them to. When Nathan was younger, we did all sorts of things, soccer, basketball, piano, art, etc.," sulat ni Camille sa Instagram.
"Now that he's older, his love for soccer never left him even when he took a break from playing [for] a couple of years to try other things.
"So happy to see him playing on the field again. Brings back my soccer mom tourney memories!"
Busy man sa showbiz, hands-on si Camille sa pagpapalaki ng kanyang apat na anak na sina Nathan, Ice, Nala, at Nolan. Anak ni Camille sa yumao niyang asawa na si Anthony Linsangan si Nathan, samantalang anak naman ni VJ Yambao sa dati niyang karelasyon si Ice.
Masaya ang personal na buhay ni Camille ngunit isang inang nawawalan ng anak ang karakter na ginagampanan niya sa GMA Afternoon Prime series na AraBella.
Panoorin si Camille bilang Roselle sa AraBella, Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Abot-Kamay Na Pangarap.
SAMANTALA, TINGNAN ANG MODERN FAMILY NINA CAMILLE AT VJ DITO: