GMA Logo Camille Prats
What's Hot

Camille Prats talks about longevity in showbiz

By Maine Aquino
Published July 19, 2023 1:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Lakers star Luka Doncic out indefinitely due to hamstring injury —report
Suspect in killing of farmer in GenSan nabbed
Daig Kayo Ng Lola Ko: Download Mommy (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Camille Prats


Ano ang masasabi ni Camille Prats na hanggang ngayon ay isa pa rin siya sa mga hinahangaang artista sa industriya?

Ikinuwento ni Camille Prats kung bakit mahalaga sa kaniya ang longevity bilang artista sa showbiz industry.

Si Camille ay nagsimula bilang child star at tumatak ang kaniyang role noon na Princess Sarah sa Sarah Ang Munting Prinsesa. Ngayon ay visible pa rin si Camille sa showbiz pati na rin sa social media platforms.

Kuwento ni Camille sa vlog ni Luis Manzano, nagpapasalamat siya dahil sa tagal ng kaniyang career sa showbiz industry.

PHOTO SOURCE: YouTube: Luis Manzano

Ani Camille, "Grateful.

"Masasabi ko kasi Luis na hindi naman sa buong time na 'yun e you're there. May stages naman in our career na parang kalma lang, relax lang. Mayroon naman na busy. Hindi talaga ever kaya 'yung nandoon ka lang. It's going to be very very hard to keep that."

Binalikan ng Kapuso star ang naging paalala sa kanila ng ama noong nagsisimula sila sa showbiz ng kapatid niyang si John Prats. Si John ay nagsimula ring mag-artista bilang child star.

"I remember as a child, my dad would always tell me and John, sabi niya alam mo 'yung industriya kung nasaan kayong dalawa it's not about pasikatan. Sabi niya, the goal there is patagalan."

Dugtong ni Camille ang kaniyang naging realization sa ilang taon niyang pagtatrabaho bilang artista.

"Na-realize ko na hindi lahat tumatagal sa industry. Makikita mo talaga come and go minsan. Makikita mo rin 'yung naging journey nila sa industriya, 'yung sobrang taas tapos o nasaan na siya? I was able to observe different kinds of careers, kung paano rin sila nag-shoot up at biglang nawala na."

Ngayon na married at mommy na si Camille, masaya raw siya na patuloy ang pagdating ng iba't ibang projects sa kaniya. Kailan lang ay napanood si Camille sa Kapuso show na AraBella bilang Roselle.

Ani Camille, "Sobrang happy na ako at sobra rin akong grateful na nabibigyan pa ako ng projects."

"Para sa akin it's just something that I really love to do. And I am grateful that I still get to do it at this point in my life."

SAMANTALA, BALIKAN ANG CAREER NI CAMILLE PRATS DITO: