
Tila hindi pa rin nakaka-get over ang maraming fans sa karakter ni Princess Sarah, na ginampanan ni Camille Prats noong child star pa siya.
Sa kanyang recent post sa social media, mababasa sa comments section na marami pa rin ang tumatawag kay Camille bilang Princess Sarah.
Napansin kasi ng kanyang fans at Instagram followers na tila hindi nagbabago ang face card ng aktres at nananatili pa rin ang kanyang youthful look at baby face.
Sa isang hiwalay na post, makikitang nag-upload si Camille ng isang AI-generated photo na nagpapakita ng kanyang current look at ng kanyang itsura noon bilang Princess Sarah.
Samantala, isa si Camille sa mga lead star ng upcoming drama series na A Million Dreams.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Camille, masaya niyang ibinahagi na bukod sa kanyang bagong project, grateful din siya sa mga makakasama niya sa serye.
Kasama rin ni Camille bilang lead stars sa serye ang Sparkle actresses na sina Caprice Cayetano at Angel Guardian.
Related gallery: Meet the star-studded cast of A Million Dreams
Ano kaya ang role na gagampanan ni Camille Prats sa upcoming series?
Abangan ang next updates tungkol sa A Million Dreams sa GMANetwork.com.