What's on TV

Camouflage artist, na-hulicam ang pagpaparamdam ng masamang espiritu sa Baguio?

By Racquel Quieta
Published October 29, 2021 8:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Shear line caused most rainfall from November to March — study
Italian resto opens in Molito; promises 'refined but unpretentious' food
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

camouflage artist


Sinaktan din daw ang camouflage artist na si Goldie Yabes ng masamang espiritu.

Sadyang 'di kapani-paniwala at nakakakilabot ang nangyari sa camouflage artist na si Goldie Yabes nang minsan siyang gumawa ng kanyang camouflage makeup transformation sa Baguio.

Isa si Goldie sa mga may kakaibang galing sa pagme-makeup at nagagawa niyang mag-blend in sa kahit anong lugar o eksena gamit ang makeup.

Ngunit nang minsan siyang magpunta ng Baguio para gumawa ng camouflage art, may kababalaghang nangyari sa kanya at ito'y nakunan niya ng video.

Sa video na ipinakita sa ParanorMars segment ng Mars Pa More, makikitang ginagawa ni Goldie ang kanyang camouflage makeup sa harap ng Laperal White House, isang kilalang haunted house sa Baguio, at laking gulat ni Goldie nang biglang tila may humila ng kanyang buhok pataas.

Ayon sa video ni Goldie, hindi naman daw mahangin nang araw na 'yon kaya nakakapagtakang gumalaw nang ganoon ang kanyang buhok.

At bukod pa roon, pag-uwi niya raw nung araw na 'yon ay may mga nadiskubre siyang mga kalmot sa likod niya.

goldie yabes

goldie yabes

Ang nakakakilabot na karanasan ng camouflage artist na si Goldie Yabes sa Laperal White House sa Baguio/ Source: Mars Pa More

Ayon sa founder ng Mysterium Philippines at former paranormal consultant na si Rob Rubin, Malaki raw ang posibilidad na paranormal nga ang naging karanasan ni Goldie.

“I think it would merit a little more investigation. And siyempre, if that was in Baguio, maraming multo doon.

“So, that being said, on a scale of 1 to 5, 5 being absolutely paranormal and 1 being bola, I'll probably give this a 4, and I would want to look into it further…”

Sinabi rin ni Rob na maaring “usog” ang nangyari kay Goldie sa Laperal White House sa Baguio.

“…that's actually what we call usog, when a spirit actually interacts with a person's body, and either they feel sick or there's like a rash or a mark on the body.

“It's because the spirit was disturbed. So, the chances are, the spirit was unhappy with all of the filming, or was wanting to be left alone.

“So, it did it para umalis siya.”

Panoorin ang aktwal na video na nakunan ni Goldie Yabes sa Mars Pa More video sa itaas.

Kapag 'di naglo-load nang maayos ang video sa itaas, maaari itong mapanood DITO.

Para sa mas marami pang celebrity features tulad nito, panoorin sina mars Iya at Camille sa Mars Pa More mula Lunes hanggang Biyernes, 8:50 a.m. sa GMA.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Mars Pa More sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, visit www.gmapinoytv.com.

Balikan ang ilan sa best celebrity Halloween costumes noong 2020.