
Matapos ang matagumpay na music launch ng "Luv Is" na theme song ng upcoming kilig series ng GMA na Luv Is: Caught In His Arms ay nakuha agad nito ang atensyon ng rising Canadian pop star na si Johnny Orlando.
Sa isang TikTok video, makikita na game na game na isinasayaw ng Canadian singer ang nasabing theme song kasama mismo ang composer at performer nito, ang P-pop group na VXON.
Bumisita sa Pilipinas ang 19-year old rising pop star na si Johnny para i-promote ang kanyang upcoming album na "All The Things That Could Go Wrong" sa kanyang Filipino fans.
Samantala, trending din ang naging music launch ng "Luv Is" sa Sunday variety show ng GMA na All-Out Sundays kahapon kasama ang VXON, Kapuso singer na si Zephanie at ang lead cast ng series sa pangunguna ng Team Jolly na sina Sofia Pablo, Allen Ansay, at ilang Sparkada members na sina Vince Maristela, Raheel Bhyria, Michael Sager, Sean Lucas, Caitlyn Stave, Cheska Fausto, Kirsten Gonzales, at Tanya Ramos.
Abangan na mapapakinggan ang nasabing theme song sa lahat ng digital and streaming platforms soon. Pero bago iyan, maaari mo nang mapanood at mapakinggan ang "Luv Is" sa lyric video na ITO:
Para sa iba pang updates tungkol sa Luv Is: Caught In His Arms, bisitahin ang GMANetwork.com.
KILIG PHOTOS OF 'LUV IS: CAUGHT IN HIS ARMS' LEAD STARS NA SINA SOFIA PABLO AT ALLEN ANSAY: