
Punong-puno ng puso ang usapan sa Your Honor dahil natalakay ang buhay ng pagiging single parent sa bagong session na tinawag “In Aid of Single Parent Life: Andaming Judgmental!”
Dito, sinagot ng resource person na si Candy Pangilinan kung dapat hindi maghiwalay ang mag-asawa para sa kanilang mga supling.
“Sa personal kong opinyon ay hindi,” sabi ni Candy. Dagdag ng versatile comedienne na may isang anak na ang pangalan ay si Quentin, “Kasi, kung kayo ay hindi nagkakasundo, nag-aaway at parati nakikita 'yun ng bata. Kalalakihan 'yun ng bata at iisipin niya na ayun ang tama. Lalo na kung meron pang-aabuso, nakakarinig ito ng hindi magagandang salita, at nakakakita ito ng hindi magagandang ayos. Pananakit, 'yung hindi magandang pagsasama. Iisipin ng bata ayun ang normal na pamumuhay.”
Sumabat naman si Madam Cha at ibinahagi ang hiwalayan nila ng ex-partner na si Nestor Ng. May dalawa silang anak na lalaki na sina Apollo at Ali.
“Ako naman po sa experience ko noh. Tinry ko naman po kasi, I think we both tried. Parang, nag-separate muna kami ng room, pero, siguro 'yung stress tsaka 'yung lungkot is eating you up inside. Kasi para buo 'yung pamilya, I will try.”
Pagpapatuloy ng Your Honor host, “Pero, sa proseso rin parang sa sobrang lungkot sabi nung doktor [bigla] ako nagkasakit ng sangay-sangay. Tapos, parang bumabalik lang siya, gagaling konti. 'Tapos babalik, so, parang naisip ko nag-i-istay ako dito, para 'buo' 'yung pamilya. Pero, mamatay naman pala ako sa lungkot.”
“Lahat ng ginagawa natin choice natin yan for ourselves, pero dun pala sa choice na 'yun. Kaysa, mawalan sila ng nanay, lumaki silang walang nanay. Siguro, mas makakabuti na long-term na ako naman ang umalis na lang para 'di ba at least masimulan.”
RELATED GALLERY: CANDY PANGILINAN'S TENDER MOMENTS WITH QUENTIN