
Inalala ng mga naging kaibigan ng namayapang aktor, direktor, at guro na si Tony Mabesa ang kanilang masasayang karanasan kasama ito.
Veteran actor-director Tony Mabesa dies
Sa isang post sa Instagram, ikuwento ng aktres na si Candy Pangilinan kung paano siya binigyan ng break sa showbiz ng beteranong aktor.
"Estudyante ako sa UP ng Theater Arts, takot sa mala-higante niyang laki, boses, at awra. Sinama niya ako sa shooting at binigyan ng role sa pelikula ni Direk Mario O' Hara, 'Johnny Tinoso and the proud beauty,'" kuwento ni Candy.
"Ang layo ng byahe namin parati mula UP hanggang Tanay, Rizal. Para akong may solo oral exam. Natitigil lang question and answer, 'pag dumadaan kami sa bahay ng isang Dr. Fernandez na sina-suggest niya na magpaggawa ako ng ilong dito.
"Salamat, sir, sa lahat ng turo mo. Salamat sa pagmumulat at pagmamahal sa teatro. Salamat sa lahat ng kwento.
"Madalas sabihin ni sir, sa simula ng isang eksena pag nag-eensayo ay 'goh.' Ngayon sir ako na po ang magsasabi... 'Goh at good job.'
"Mahal po kita. Sobra."
Tinawag naman ng mang-aawit na si Ogie Alcasid si Tony bilang "Lion of the Theater."
"I remember during my short 'theater' stint in UP, he was always ready to mentor us young aspiring actors and stage people," sulat ni Ogie sa caption ng kanyang Instagram post.
"Always a pro on the movie set and a 'brod' of my Father during their college days.
"Thank you, sir Tony, for the wisdom and the inspiration. My deepest sympathies to his loved one."
Inalala naman ng aktres na si Frances Makil-Ignacio ang huling araw na nagsama sila ni Tony sa isang entablado.
"The last time I was onstage with you, you gave me a really huge lozenge because you always were sweet like that," saad ni Frances.
"I love you Ninong. You really took the Ninong card to heart with all of us.
"You took the father-mentor card to heart with all of us.
"Thank you, God, for bringing him into this world and into my life."
Samanatala, may kani-kaniyang post na rin sina actor-director Ricky Davao and singer-actress Ayen Munji-Laurel.